Inuman na!

Kahapon nagkausapan tungkol sa proposal na magpatayo ng isang kapehan dito sa school, na napunta sa mga inuman ng alak, na pumunta sa kung kailan napapasuka kung inuman na.

Nasa 4th year college na ako pero ang totoo niyan di ko pa naranasang sumuka sa kung saan dahil sa kalasingan. heheh. Kasi ang totoo niyan hindi talaga ako mahilig uminom at hindi naman ako nadadala sa peer pressure kasi mahal pa rin naman ako ng mga kaibigan ko kahit na tawa-tawa lang ako sa inuman session at umaasta lang na lasing. hahah

Hindi pinagbabawal sa’kin ang uminom kasi na sa legal na edad na ako.heheh. Si papa, niyayaya niya akong uminom kapag nakita niyang may problema ako. Si mama naman, niyayaya ako ng cheers pag new year, siya pa yung bumibili ng isang kahon ng Red Horse. Ang kaisa-isang rule lang, wag daw ako uminom kasama ang mga taong di ko kilala o di ko pinagkakatiwalaan.

Paano ko ba sasabihing hindi ko talaga kayang uminom? Kasi ang pait talaga. hahah. Tsaka naiisip ko, bakit ba ako magbabayad sa isang inuming magpapasakit ng ulo ko at magpapasuka sa’kin? Katulad din ng bakit ako bibili ng inumin(softdrinks) na magpapasira ng tiyan at ipin ko? Bakit ako bibili ng tubig na may food coloring o flavoring lang(tetra pack juice)? Oo,hindi ko rin kaya uminom ng softdrinks atsaka ayoko talaga ng tetra pack juice. Ganun ang topak ko kasi gahaman ako sa pera. hahah

Gayunpaman, kung nasa inuman session,nakikikanta naman ako, nakikinig sa mga kwento nila lalo na kung madrama, nakiki-english kung bigla na lang silang naging english-speaker, at nag-aastang lasing. Kung ang kasama sa meal ng jollibee at Mcdo ay softdrinks,go naman ako, at kung tetra pack lang ang meron,uhmmm,wala bang tubig? hahah

Ano ba talaga gusto kong sabihin? Wala lang naman. uhmmm,uhmm,uhmm, Gusto ko lang sabihin na gusto ko at the best pa rin pala ang tubig. Bow. 🙂

null

P.S. Alam ko, magmumukha akong makitid sa post na ‘to pero yan talaga si Kat eh.:)