Ang tagal lang ni Jessica. Kanina pa ako naghihintay dito sa coffeshop.
Pasalamat siya bestfriend ko siya mula pa nung pagkabata kaya mapapatawad ko na naman siya.
Si Jessica. Bestfriend ko. Sabi ng mga kaibigan namin para daw kaming kambal tuko. Palagi kasing magkasama, magkasangga, pakners in crime; sa school plays, school projects, highschool prom at kahit sa thesis.
Palagi din kaming tinutukso ng mga magulang namin, na bakit daw hindi na lang maging kami eh komportable naman kami sa isa’t isa. Boto din ang dalawang panig. Babae daw siya, lalaki daw ako, bakit daw hindi. Si Jessica naman, mapapatawa lang at sasabihing, ako lang naman daw ang hinihintay niya. Siyempre joke lang yun. Nagbibiro lang siya.
Kung paano tumagal pagkakaibigan namin? Magkasundo kami sa maraming bagay, she finds me interesting and I find her trustworthy.
Dumating na siya. Kasama si Jake, yung kilalang varsity scholar sa school. Hindi totoong walang utak lahat ng member ng basketball team dahil si Jake lang naman ang Editor in Chief ng campus paper at president ng academic organization namin ni Jessica.
Pagkakita nila sa’kin, niyakap ako ni Jesssica.
“Sige,una na ko ‘pre, hinatid ko lang si Jessica” paalam ni Jake sabay tapik sa balikat ko.
Teka,ano na naman ‘tong nararamdaman ko?
Konting kirot sa puso.
Oo na. Nagseselos ako.
Nagseselos ako kay Jessica.