Ngayong linggo magsisimula na akong ituturing na ang tulog ay isang luhong hindi ko kayang bilhin. Magiging bestfriend ko na naman ang kape, yung tipong di na ako mabubuhay kung wala siya. Gagamitin ko na naman ang “art of sleeping while your eyes are open” na technique, hindi ako ninja, feeling lang. Magsasaulo na rin ako ng mga speech para i-extend ang deadliest deadline ng mga prof ko. Dahil sa linggong ito aalagaan ko baby ko…
(flashback mode: last week)
Thesis adviser: Yes, you’ll gonna take care of your thesis like it’s a baby, baby kasi parang mahigit-kumulang 9 na buwan niyo rin yang dadalhin at pag-iisiipan, aalagaan, bago niyo maipalabas (publish).. =)
(present mode na)
Ang week na ‘to ay para sa baby ko.. kasabay ng exam week, at dahil diyan..Magiging madalang pag-post ko.. =) heheh. Bye-bye muna sa ngayon.
