Pagkatapos ng Saranggola Blog Awards ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makipagkita sa ibang bloggers na sina Salbe at Vajarl. At masasabi kong ang bayad sa taxi, ang saglit na pagkalito sa direksyon at slight lang naman na pagsisinungaling sa aking nanay(si lola na kasama ko sa SBA) ay ok na ok lang lalo pa’t ang saya ng pagkikita namin.
“Nay, pwede po akong umalis?”
“Saan punta mo?”
“Sa gateway po.”(Woot, hindi sinabing sa Trinoma talaga mag-lulunch pagkatapos magkita sa gateway,di naman tinanong eh.^^)
“Sino kasama mo?”
“Susunduin po ako ni Ate Salbe.”
“Ah yung emcee? Si Guttierez? Nandun?”
“Sinong Guttierrez nay??”
“Yung matangkad.”
“Ah, si Goyo. Baka po. ”
“Eh yung kamukha ni Coco Martin?”
“Sinong kamukha ni Coco Martin?? hmmm, aaah,si Jason po? Baka.”
Pinayagan naman ako ng lola matapos ang ilan pang katanungan na hindi ko na sasabihin dito dahil ang haba. heheh.
Masaya ang makipagkwentuhan kina Vajarl at Salbe(bawal daw talaga mag-Ate eh ^^) over Pizza at crepes n cream.Sobrang dami ng nakain ko kasi parang nasa diet sila at binibigay sa’kin ang lahat ng malalaking slice ng pizza^^ . Sumakit ang panga ko sa katatawa sa mga hirit nila at sumakit naman tiyan ko sa mga kinain ko. Yan kasi Kat,masyado kang matakaw.
Si Vajarl ay katulad ng inaasahan ko, talagang andaming alam at opinyon tungkol sa Psychology at sa iba pang bagay. Parang halong objective atsaka subjective na tao kasi kung para sa kanya pangit ang isang bagay,pangit, kung maganda, maganda. May halong pagka-subjective dahil kung gusto niya,gusto niya,kung ayaw, ayaw. 🙂 Belated Happy Birthday at kainggit ang regalo mo sa self mo. Ang yaman lang talaga. XD
Si Salbe naman ay may katangian ng isang sanguine. Yung tipong kayang magkwento ng mga esoterical na bagay katulad ng statistics sa paraang hindi ka mababagot at parang kahit olats ako sa stats ay gusto kong kumuha ng extra subject na ganyan.
Akala niya daw pangit ako, na hindi ko alam kung ang ibig niyang sabihin ay maganda ako sa personal o hindi ako photogenic. hahah. Andaming baong hirit na matutuwa ka at matatawa.Hindi na ako nagtataka kung andaming sumusunod sa blog niya at sa tumbler niya. Ate Salbe, salamat ng marami sa MRT rides, sa paghatid-sundo, tsaka sa libre.^^
Andami pa naming napag-usapan tulad ng ibang bloggers, kung paano sila nagsimula mag-blog,mga lablayp,trabaho, mga paniniwala nila sa pag-ba-blog. Mga ganun. 🙂
Ang saya kong makita sila sa personal at marinig kung papano sila magkwento tungkol sa kahit ano. Andami ko talagang natutunan. Maraming salamat sa inyo at inanyayahan niyo akong makipagkita sa inyo Salbe at Vajarl. Sa susunod na pagkikita ha? 🙂
P.S. heto naman ang bersyon ni Ate Salbe sa pagkikita namin. 🙂
Abangan niyo rin ang bersyon ko ng pagkikita namin ni Jec. 🙂

