Kanina lang, bigla kong namiss ang gitara ko, sa maniwala kayo’t hindi, meron din akong alam na chords, katulad ng H minor diminish! Nung higschool kasi, ang crush ko, gitara lang ang alam kausapin kaya ayun, naisipan kong matuto na rin ng gitara para kausapin niya rin ako. hahah. Huwag niyo nang hulaan kung sino, maraming nagigitara sa campus at sa paligid ko.
Kumalat ang tsismis na gusto kong matuto tumugtog kaya isang araw may kaibigan si papa na binigyan ako ng gitara. Maliit, pambabae ang size at kulay brown. Gustong-gusto ko ang gitarang yun kasi una sa lahat, libre. =) Meron nga lang isang problema, sira ang gitara.
Hulaan niyo kung sino ang nagpresentang ayusin ang gitara. Yung crush ko lang naman. Kinilig naman naman ako kaya instant may sentimental value agad yun. Tuwing umuuwi ako mula sa school, ang gitara kaagad hinahanap ko. Pagkatapos kong kumain, gitara na naman, at heto matindi, katabi ko nang matulog minsan ang gitara. Natuto naman akong tumugtog pero basic lang. Parang hindi para sa’kin ang music.
Nung nag-college ako, napilitan akong iwan ang gitara sa bahay dahil mahirap bumiyahe na dala-dala ito. Nang bumalik ako sa bahay nung sembreak namin, mangiyak-ngiyak ako ng makita kong sira na uli ito. Wala kasing gumagamit at hindi naman alam ng ibang kapamilya ko kung paano nila aalagaan ito. Nakakainis pero kanino ako maiinis? Eh responsibilidad ko naman ang gitarang yun kaya walang ibang may kasalanan kundi ako lang din.
Dahil namimiss ko gitara ko, bigla kong naisip na meron palang mga bagay na pwedeng mahalaga sa atin nung una, pero nakakalimutan natin ang halaga kalaunan, at naaalala na lang natin uli ang halaga pag wala na.
Natutunan ko ring may mga bagay na kahit mahalaga sa’tin, pwedeng hindi pahalagahan ng iba kaya mas mabuti na yung kita na mismo ang nagsasabi at nagpapakita na mahalaga at importante sila para sa’tin. =)
Sa araw na ito, yan ang kwento ni Kat. =)

