Sinubukan kong mag-jogging kahapon kaya sobrang nakaka-proud. hahah. Take note, si-nu-bu-kan. XD
Palagi ko kasing sinasabihan ang sarili ko na “Tatakbo na ako bukas!” At kinabukasan, yan pa rin ang sinasabi ko sa sarili ko. Kasalanan ni Santino to eh, na pa-ulit ulit na pinapa-alala sa’king may bukas pa.
Naka-isang subok pa lang ako sa pagtakbo at umikot sa lagoon ng park namin, gusto ko na agad sumuko. Parang ikaw, isang subok pa lang sa pag-ibig, sumuko na agad. Acheche. Joke lang, baka sumbatan ako ni ex kasi–aynaku, ‘wag na nating pag-usapan. XD
Moving on(no pun intended),dahil nga parang hapong-hapo ako sa pagtakbo, nag-zumba na lang ako. Sayaw-sayaw, kembot-kembot, at giling-giling muna peg ko. Pinawisan na ako, ka-vibes ko pa sina lolang naka sleeveless, crop top at colorful stockings. Yihee!
Binago ko na ang statement ko para mas effective. “Magjo-jogging na ako ngayon!” Kasi may kasabihang , “Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi ako, sino?” Hindi ako sure kung para yan sa pag-exercise, pero pwede na rin. hahah
