Sa tuwing ba inuulit ko ang salitang sorry, nababawasan ang kasalanan ko sayo? O nababawasan ba ang sakit ng mga salita at desisyon tungol sa akin, tungkol sayo, tungkol sa akin at sayo, tungol sa atin…
Sorry. Dahil kinakausap kita habang nagkaklase.
Sorry. Dahil tumawa ako sa mga corny jokes mo.
Sorry. Dahil nag-reply ako sa mga sa ungodly hour texting mo.
Sorry. Dahil nagustuhan ko ang pagsusulat mo.
Sorry. Dahil niyakap kita matapos ang initiation mo.
Sorry. Dahil kailangan mong magkunwaring mag-withdraw sa landbank para makasama ako.
Sorry. Dahil kailangan mong iyakan ang babaeng kaibigan mo.
Sorry. Dahil nalaman ko kung sino ang tinutukoy mo.
Sorry. Dahil sinabi ko ang mga salitang akala mo hindi mo kailanman maririnig sa akin.
Sorry . Dahil naging masaya akong kasama ka.
Sorry. Dahil ni hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito ngayon. Kung bakit ako humihingi ng mga bagay na sa huli ay masasaktan ako.
S0rry. Dahil pinilit ko maging tama ang lahat at ngayong tinatama ko na sa wastong paraan, mas masakit na.
Sorry. Dahil sa palagay ko. Isa na naman to sa mga desisyon na iiyakan ko pero paninindigan ko.