Nung job interview ko, na-rememebr ko ang tanong sa akin ng Vice president at 2 manager sa kompanyang piunagtatrabahuan ko. Kompanyang sa totoo lang, wala akong masabi dahil sa ganda ng benefits.
“How do you cope with stress?”
Ang simpleng sagot ko..
“I write.”
“So if we see you writing in your cubicle, we already know how you feel”
“Maybe.”
At ngayon, dapat wala akong may naisusulat sa blog ko dahil pagod lang ang utak ko pero pagod ang utak ko kasi maraming pumapasok sa utak ko na kailangan kong isulat bago ako sumabog. OA much?
Mother’s Day.
Ma,meron na akong sinulat para sa’yo pero sa next ko na post ok lang? ^^ Gaya nga ng peyborit motto mo, It’s better late than later? Este, never.
Birthday ng kapatid.
Mahal ko. ikaw na ang napagkakamalang boyfriend ko. Mahal na mahal ko kayo ni Kia. Sorry hindi ko pa kayang tustusan pag-aaral mo pero gagawa ako ng paraan. Tapos pasensya ka na, di ko pa kayo makuha diyan sa lugar naten. Alam mo ba, nung may lalaking umaway saken dito, biglang nalungkot ako dahil naalala kong ako lang ang naka-alis dyan at hindi kayo.
Tapos kung anu-ano na ang bumabagabag sa’kin. Kung anu-ano na ang iniisip ko para matupad ko yung mga pangarap naten. Naalala mo? Tabi tayong tatlo matulog palagi. Bago matulog, sinasabi naten lahat ng mga gusto nating bilhin para kay mama. Kahit na sinasabi mong galit ka saken dahil sa palagay mo naging unfair ang mundo dahil sa akin napunta lahat, lahat ng atensyon, lahat ng papuri, lahat lahat na lang; gusto kong malaman mo na naiingit ako sa’yo. Dahil may mga bagay na naiintindihan mo na hindi ko naiintindihan, dahil may mga simpleng bagay na nagpapasaya sa’yo, dahil may mga bagay na kaya mong ipahiwatig sa lahat at isa akong malaking duwag.
Noon, gusto mong maging sundalo, maging marine engineer,maging pulis.. ano kaya ngayon ang pangarap mo? Kung may pera ako, hindi kita pipigilan, kunin mo lang ang sa palagay mo ang magpapasaya sa’yo.
Kapatid kong Babae.
Nabalitaan kong may sinuntok ka na naman daw? Alam kong matapang tayo. Alam kong wala na tayong kinakatakutan. Pero gusto kong malaman mo, na mas malakas si kuya mo, hayaan mong siya ang sumuntok. Joke lang. Namimiss kita. Sana kausapin mo ako. Sana wag kang mahiya saken dahil akala niyo ganito ako, ganun. Alam mo, marami din akong kapalpakan, marami akong pagkakamali sa buhay. Pwede niyong sabihin saken lahaaaaaaaaaaat ng gusto mong sabihin. Gusto kitang protektahan.Gusto kong bumalik diyan para protektahan ka. Dahil ayokong madaanan mo din ang mga pinagdaan ko, pero baka huli na ako? Naiinis talaga ako sa gagong lalaking yun. Dahil sa kanya, naalala ko kayo, naalala kong kailangan ko pala kayong balikan.
Quiet Time
Lord, sorry talaga, hindi na naman ako makakapag-quiet time kasi nung binasa ko kanina ang bible habang tinatanong ko kayo kung ano ba talaga ang gusto mong gawin ko sa buhay ko, ang nabasa ko “Go and preach the gospel to all creatures” tapos naririnig ko pa si John Piper sa background na nagsasabing, “Don’t waste your life here” at Only one life will soon be past, only what’s done for Christ will last.
Yun ang kinakatakutan ko Lord, na at the end of the day, sa dinami-dami ng ginagawa ko, wala talaga kong nagagawang makabuluhan o nagagawang related sa purpose ko dito. Kaya ko ba talaga yun Lord? Alam ko sa sarili kong meron kang hinaing misyon para saken pero takot na takot akong tanggapin yun. NAkita ko na sarili ko noon eh, na nagsasalita sa harap ng mraming tao, at hindi nahihiyang sabihin kung paano mo ko niligtas. Nakita ko na sarili ko noon eh, na nagtuturo sa mg bata kung gaano mo sila kamahal. Pero ngayon, lahat ay parang parte lang talaga ng vision na hindi ko mahawakan.
Sobrang duwag ko lang para umuo. Asan na Kat? Asan na ang sinasabi mo sa kantang “Yes Lord, yes lord, yes,yes Lord?”
Tapos ang nagging feeling na I don’t deserve to say something about You, that someone with an ugly soul like mine doesn’t deserve to say something about your greatness. Maniniwala kaya sila saken Lord? Maniniwala kaya sila sa isang batang confused sa lahat ng bagay except sa katotohanang buhay na buhay at totoo ka. Na kung maghahanap lang sila,kung magiging bukas lang sila, makikita nilang ang pangalang sinasabi ng puso nila na kulang ay pangalan mo.
Trabaho.
Gusto ko lang lumuha ng dugo. Sana talaga nag-resign na ako ng mas maaga. Ang hirap pala kung nasa isang foundation ka. BAkit hindi nila sinabi to? Hindi ako ganito ka handa. Bakit di nila sinabi na merong mga nanay na magkakaawa para gawing scholar yung anak nila. Bigyan ng chance dahil ganito kahirap ang buhay, ganun. BAkit di nila sinabing may mg magpapaliwanang na nasa kulungan tatay nila,na manganganak misis nila. Bakit di nilang sinabi na masakit palang pupuntahan ka ng isang scholar na naging malapit na sa’yo at sasabihan kang may bagsak siya dahil kahit bayad ng yung tuition nila, wala nman silang pambaon. kaya hayun, nag-iiyakan kami habang nagyayakapan habang sinasabi niyang ayaw niyang mawala ang scholarship niya dahil walang trabaho ang parents niya habang ako nama’y paulit-ulit na wag kang titigil sa pag-aaral kasi ganito ganun, tapos di ganyan ka-importante ang grades sa pghahanap ng trabaho kaya tapusin mo lang kurso mo. Ayokong isipin lahat ng ‘to pero at the end of the day,yung pinaksakit na part, wala din akong magagawa kundi ang sumunod sa patakaran at maging tagapaghatid ng masamng balita. SA sobrang dami ng pagmamakaawa, natutunan ko ng i-shut ang pandinig ko kapag alam kong papunta na dun ang usapan. 😦 Ang masaklap, na-iirita na ako minsan. At na-realize ko na kapag binabyaran ka para “tumulong”, magiging confused ka na kung ang ginagawa mo ay para tumulong o para mabyaran. 😦
Pag-ibig.
Para sa nagsabing baka naaawa lang ako kaya sinagot kita at madali lang makipag-break sayo…
Hinintay kong mag-18 ako bago pumasok sa isang relasyon
First boyfriend
Nagharana ako sa harap ng UP dorm ng nakabestida
Nag-try mag-aral magluto
Nakipag-slowdance na music lang sa cellphone ang naririnig
Gumawa ng tula,love letter, maikling kwento
Nag-ipon at nag-travel para makilala buong angkan
Tumagal ng 3 years ang relasyon
Nakipag-break para ma-protektahan ang isa’t-isa
Nope. Hindi ako naaawa lang.