Gusto ko lang sabihin na gusto kong magpa-tatto. Matagal ko ng gustong magpatatoo, pero hindi pa ako nagkakaroon ng guts, ng oras,puro lang excuses.
Gusto kong magpatatoo dahil..
1. Isa ako sa pinakamakalimuting tao.. Gusto ko sanang merong isang bagay na magpapa-alala sa’kin ng isang importanteng bagay.
2. Gusto kong merong isang permanentang bagay sa’kin ngayon. Ayoko nang mag-explain kung bakit parang bigla kong naramdaman na walang permanente sa buhay ko. Charot. hahah
3. Takot ako sa needles. Sobra. Kaya gusto ko magpa-tatoo. Ironic? Okay, let me explain. Isa ako sa mga taong iniiwasan o tinatakbuhan ang anumang bagay na makakasakit sa’kin. At ngayon, gusto kong kahit sa maliit na bagay, mapatunayan ko sa sarili ko na kaya kong harapin ang takot ko. charing.
4. Isa sa mga bagay na pumipigil sa’kin magpa-tatoo ay yung hindi ka daw makapagdonate ng dugo. Pero dahil katatapos lang ng bloodletting namin, nalaman ko na pwede naman, after a year or two. Anyway, I tried na magdonate pero hindi daw pwede dahil anemic ako at hindi umabot sa 50kg ang timbang ko(andaming explanation!).
5. Mahilig ako sa accessories pero kung mapapansin niyo hindi ako nagsusuot ng accessories.Uhmm, dahil allergic ako sa mga accesories, earrings, necklace, bracelet. Kaya kahit gusto ko sana, hindi din pwede, kaya ang alternative ko, tatoo.
6. Dahil mahalaga sa’kin ang design o symbol na ipapa-tatoo ko. 🙂 Yung design? Dream catcher. Marami akong dream catcher necklaces noon, pero wala na ngayon. At kung matagal na kayo sa blog na’to, I think alam niyo kung bakit yun ang gusto ko.. Put your guesses na lang sa comment section. ^^



P.S. Kung may dream catcher tatoo na ako, magpapa-picture din ako ng ganyan, tapos post ko dito. Yung kita din ang likod ko o boob ko. Lol! XD
P.P.S. (nakuha ko to kay vaj kahit na non-existent, gamitin pa rin) malamang sobrang stressed ako ngayon kaya nakaka-post na naman ako ngay0n. 2 big events coming up and sobrang kinakabahan ako dahil parang hindi umaayon sa plano ko ang mga nangyayari. Please pray for me. 🙂 Siyanga pala, if you have prayer request, email me, will include you sa mga prayers ko.
PPPS. Iloveyou all! Pramis. Para lang yan sa lahat ng nagbabasa ng blog ko dahil nag-eenjoy sila basahin ito o gustong malaman kung kamusta na ako. Hindi para sa mga stalkers na ewan. hahahah. XD