Maraming salamat sa isa sa mga hinahangaan kong blogger. ^_^
Kahiwagaan kang walang kahulirip,
Ada[1] ka bang dalaw sa aking panaginip?
Tunay ngang bugtong kang ukilkil sa isip
Rompecabezas,[2] sa hangin nakatitik.
Inip na inip ako sa ‘yong pagdating
Nais ko ang oras, ay agad pabilisin—
At nang magkahuntahan nga tayo mandin
Balitaktakan[3] sa kani-kaniyang kiling.
Aminin ko na nais kitang kausap
Lambing ng titik mo, aking hinahanap…
Oya[4] ka bang gayuma ang hawak-hawak
Nakapagpapalango sa aking utak?
Eva kang tunay ngang walang pangalawa
Sa rikit, sa talino, walang kapara;
Kaibigang kay tamis, tunay na Bisaya
Alam kong sa tugmang ito’y tatawa ka!