Alas Singko ng Hapon

Ayokong magising

Sa alas singko ng hapon.

Kasi di ko alam

Kung sisikat pa lang ang araw

O kayaý papalubog na

At  pagtingin ko sa bintana

di ko alam kung tao’y naghahanda

Sa panibagong araw

O kaya namaý handa ng magpahinga

sa papalapit na gabi

Ang naririnig ko bang mga ingay

Ay mula sa mga taong papuntang palengke

O mga taong pauwi na pala

Ayokong magising

Sa alas singko ng hapon

Walang araw na sisikatan mukha mo

Walang amoy ng bagong lutong pandesal

O katitimplang kape

Walang nanay na sisigawan ka

Wala kang  klaseng papasukan

Ramdam mong ikaw ay nag-iisa

Higit sa lahat  para bang..

Patuloy na iikot ang mundo

Sisikat at lulubog ang araw

Kikilos at mamumuhay ang mga tao

Gumising ka man o hindi

Sa alas singko ng hapon.