Yan yung konklusyon ng isang propesor namin sa Psych kanina, matapos marinig ang report ng isang grupo. Ano ba ang report? Sa totoo lang, di ko maintindihan.
Yung report raw ay tungkol a mental representation na may sequence at nilalagyan ng banana chips atsaka nasa memory natin at nginunguya ng sea monkey. Ewan, hindi ko talaga naintindihan eh. Hahah.
Parang narinig ko lang na yung experiment eh tungkol sa kung paano ipresenta ng ating utak ang mga sequential na impromasyon(example ng sequential info eh yung cellphone number natin 09351413752). Itext niyo yan at baka magreply pa kung sinumang may maitim na budhing nagnakaw ng cellphone ko. Pagkatapos tungkol din ito sa sa kung paano natin i-memorize ang mga ganitong klaseng impormasyon.
According sa eksperimentong kanilang nirereport meron raw tatlong theories na binabasehan tungkol sa memory. Yung isa eh yung Dyad transition, kung saan nag-poprocess daw tayo ng dalawahan, example ABC, eh yung pagmemorize natin ay AB tsaka BC. Yung isa naman ay Composition theory na hindi ko na alam kung ano. Hahah. Yung pangatlo eh, yung Associative chain model na ang ibig sabihin ay pinoproseso natin ang mga impormasyong kailangang imemorya base sa mga alam na nating impormasyon dati pa. Kung mali ako, sorry, tao lang akong,nabibingi rin.
Yung implication lang naman pala nung experiment eh sa tatlong model na pinakilala, pinaka-epektibo raw yung pangatlo. Ibig sabihin, complex talaga ang pag-process ng brain, atsaka kung anuman iniisip natin at anumang gusto nating malaman, naaapektuhan ng memorya natin noon pa. Mas mamemorya daw yung old info kesa new info. Ibig sabihin makaka-interfere yung old info sa new info. Na ang ibig sabihin eh..
First love never dies. Bow. hahah
Yan lang kwento ni Kat. π

P.S. yung information dyan ay base lamang saβking pagkakaintindi ko ng report na hindi ko maintindihan. Hahah. Gamitin ang information para sa academic purposes para bumagsak ka.Β π