Tuwing bisperas ng birthday ko, hinihintay ko talaga mag-alas dose para batiin sarili ko. Hindi ko yung nagawa ngayon dahil napagod ako sa kahahanap ng trabaho at nakatulog ako agad. Pagkagising ko nung June 15, unang nasambit ko “21 na ako”. XD Kung naalala niyo pa, humingi ako ng pabor at heto ang mga taong pinagbigyan ang kahilingan ko. ^^,
Mula kay Kuya pong! 🙂 Nagkakilala kami sa blogosperyo pero pakiramdam ko ang close-close na namin. hihih. Kung meron sana akong kuya,gusto ko katulad ni kuya Pong, yung may takot sa Diyos at kaya kang payuhan tungkol sa mga bagay-bagay na wala kang ka-alam-alam. Sana magkita kami balang araw. ^^,
Mula sa kaibigan kong napakahalaga sa buhay ko. =) Kahit ganito ako, may mga tao namang natatanggap ako sa kung ano ako, at isa siya dun. Siya yung kaibigan kong panghihinayangan ko talagang mawala. Maswerte ang taong mapapangasawa niya. Wahahah. Wag niyo nang pansinin ang stressed kong mukha. hahah
Mula kay kuya Bino. Siya lang naman ang may-ari ng damuhan dot com. Oha! sikat! Nakita ko siya sa Saranggola Blog Awards at mula nun ay tagasubaybay na ako ng kanyang pahina. =)
Mula kay nang leah. 🙂 Magkakilala na kami ni ate Leah kasi nasa isang lugar lang naman kami nung college ako. Medyo tahimik sa personal pero palakwento sa blog niya. ^^, Tagasubaybay ako ng blog niya kasi may tungkol sa lablayp niya. heheh. Mayaman tong si ate leah pero humble. hihih. Nang leah, *Huuuuuuuuuuug! May pic greet na, may testi pa!
Isang Tula
Hindi man tayo magkakilala
Hayaan mong haplusin ka
Ng aking nanlalamig na mga salita
At yapusin ka ng nangingiki kong tula.
Kung sakaling kayang mapagbaga,
Ang iyong puso ng aking nanlalamig na tula—
Gaya ng apoy na darang sa kahoy na basa
Aaminin ko, ang puso’y labis na matutuwa.
Sa araw na ito, hayaan mong bigkisin
Tayong dalawa ng tulang kulang sa aliw-iw
At ang lubid ng salita’y maging saliw
Sa paggunita sa iyong unang uha, unang paggiliw.
Ngunit sakali mang hindi payagang
Ang mga salita’y mahaplos man lamang
Ang bahagi ng iyong puso, iyong kalooban—
Anag-ag itong hahayaan na lamang
Na pumailanlang sa malawak na kawalan.





