Gallery

Makulay. Magulo. Marumi.

Sa biyernes na ang eleksyon dito sa’min kung kaya’t walang humpay(naks,may walang humpay pa akong nalalaman) ang campaigns ngayon. Ang masasabi ko lang, ang eleksyon dito ng College of Arts and Sciences ay parang mini-Philippines election lang. Makulay. Magulo. Marumi.

Parte ako ng isang partido kaya baka maging bias ang blog na ‘to. At dahil na rin sa nakapagsabi ako ng bias, magsusulat na lang ako tungkol sa opisyal na publikasyon ng College of Arts and Sciences.

Nagbabayad ng Php. 40 ang mga estudyante para sa publication namin,gusto man namin o hindi ang pagbabasa ng paper o kung makatanggap man kami o hindi.

Ok lang naman yun, kasi bilang isang manunulat(hayaan niyong tawagin ko ang sarili ko nito kahit ngayon lang.ehoserang palaka lang ^^) sinusuportahan ko ang malayang pagpapahayag ng opinyon at intelektwal na diskurso tungkol sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa’min, bilang mag-aaral. At kung wala kayong opisyal na publikasyon sa paaralan niyo’y, aba, i-reklamo niyo yan.

Kaya lang, paano kong masasabi na ganyan ang pinupuntahan ng Php40 ko at ng iba pang estudyante kung ang publikasyon namin ay nagmumukhang publication ng isang organisasyon dito, at ang matindi pa niyan, parang isang publication ng isang partidong wala lang sariling funds kung kaya’t ginagamit ang opisyal na publikasyon ng mga estudyante.

Hindi naman masyadong obvious kung bakit ngayon pinamigay ang “CAS” publication na yan. Hindi naman masyadong obvious na andaming papuri para sa isang partido habang naninira ng mga kandidato ng isang partido.At higit sa lahat,hindi naman masyadong obvious na ang EIC ng paper na yan, ay suportado ang isang partido, dahil member siya ng isang party alliance nila.

Akala ko ba’y ipinaglalaban nila ang karapatan ng mga estudyante? Akala ko ba sila yung nagsasabing ang kaban na para sa estudyante ay dapat mapunta sa serbisyo para sa mga estudyante? Pero bakit ganun? Bakit ginagamit ang pera ng mga estudyante upang pagsilbihan ang politikal na interes ng iilan lamang?

Ano ang kaibahan ng isang journalists sa ibang manunulat?

Ang ibang manunulat, fiction man o non-fiction ang ginagawa nila, ay malayang maging malikhain depende sa kung ano ang aabutin ng kanilang imahinasyon. Pwede nilang sabihin ang ulan ay ihi ng mga anghel, ang mga baby ay nagagawa kapag humalik sa pisngi ang isang lalaki sa babae, at ang pinakamagandang babae sa mundo ay si Katrina Danieles.

Ang journalist naman, merong responsibilidad na magbigay serbisyo sa katotohanan. Ibig sabihin pinapaalam niya sa mga tao ang totoo at hindi nililinlang gamit ang pagtatago ng ibang detalye, pagbibigay ng mga opinyon na walang basehan o kaya nama’y pagkalat ng mga tsismis, at higit sa lahat paninira para sa pansariling interes lamang.

Dahil sa kaibahang ito, humahanga ako sa ibang manunulat dahil sa talentong meron sila at sa imahinasyong umiiral sa isip nila. Nirerespeto ko naman ang mga journalist dahil sa tapang nila at pagpapahalaga nila sa katotohanan. Sa EIC namin, sana alam niya kung kailan siya nagiging isang manunulat o isang journalist.

Hindi batayan ang spilleng, pa-deep na vocabulary tsaka grammatic para sabihing magaling na manunulat ang isang tao. At hindi rin batayan ang posisyon upang masabing mapagkakatiwalaan ang isang journalist. At hindi kailangan maging isang manunulat ang isang tao upang malaman kung paniniwawalaan ba niya ang binabasa niya o hindi.

Assignment:

1.Bilugan ng pulang permanent marker ang lahat ng maling spelling at grammar ko.

2. kumuha ng 1/8 crosswise at isulat ang kaibahan ng journalists sa ibang manunulat. At least 1,500 words tsaka gumamit ng morse code.

3. Sabihin ito ng tatlong beses, “ang bias-bias ni Kat pero di naman ako nagbayad ng PHp 40 dito, pakialam ko sa blog niya.”*wink.

null