Una, gusto kong mag-sorry dahil angtagal-tagal bago ako makapag-blog. Pangalawa, gusto ko mag-sorry dahil kailngan ko ng isara ang blog na ‘to. 😦
Rason: kasi, kasi, kasi may mga taong ayoko sanang nagbabasa ng blog na’to . Mga taong habang nagbabasa ng blog na ‘to, pakiramdam ko, hindi ako makasulat. Mga taong iisipin ko muna ang iisipin sakin bago ako makapagsulat.Basta ganun.
Sa mga taong hindi dapat magbasa ng blog na ‘to: alam niyo kung sino kayo, mararamdaman niyo yun, magi-guilty kayo kung nagbabasa kayo neto, makikita niyo mismo ang konsensya niyo na parang sa safeguard commercial lang… parang awa niyo na, lubayan niyo na ang blog na to. Pero since hindi ko naman talaga magagawa yun, ako na ang lalayas sa blog ko. Ang drama oh! Pero baka magbago din ang isip ko kasi handami ng subscribers ng blog na to..heheh
Napansin ko lang, ang dami-daming taong namimiss ako ngayon. Puwes,ito lang masasabi ko sa inyo! Miss na miss ko na din kayong lahat!!! Sobra! Gusto kong maging nasa napakaraming lugar sa isang oras.
Ay, ang drama ko talaga ngayon. Kasalanan to ni Adele eh. Ang babaeng yun, nakipag-break lang sa bf, yumaman agad! Kung nakapagpapayaman ang heartbreak, makikipag-break ako kahit sa hindi ko boyfriend. XD
Yung bago sa’kin? Iphone. Bwahahah! Overrated na Iphone. Kaya ang arte ko sa facebook. Kung makapag-post, instagram dapat. Insta-instagram mode tsaka ipakita dapat na via mobile ang post. Tsarot. Ibalik ko tong Iphone na to sa globe eh. Ayaw akong lubayan ng confusing billing method nila. hahah.
Tsaka, tsaka.. may isa pang bago.. pero i-post ko na lang mamaya dahil ma-drama much. heheh. Miss ko na kayo! *wave
P.S. naisip ko lang parang impeachment ako sumulat ngayon, ang gulo.