Pakiramdam ko wala akong ganang sumulat ngayon. Isang pakiramdam na hindi pamilyar para sa’kin. HIndi ko alam kung bakit, pero parang alam ko rin, at ayaw ko lang aminin. Kaninang umaga, pagkagising ko, bigla na lang gusto kong magtanggal ng inis sa katawan kaya boila! Nasa kabilang isla na ako ngayon.
Gustong-gusto kong mag-blog tungkol sa masasayang bagay pero parang walang namumutawing masayang salita mula sa utak ko. Pagpasensyahan nyo na. Bukas, ibang araw naman kaya pwedeng kainin ko ang lahat ng pinagsasabi ko dito.
Galit lang ako sa maraming bagay. Galit ako sa mga taong insecure. Mga taong mahilig magparinig, pagkatapos binibigyan mo ng pagkakataong magsalita sa harap mo, walang may sinasabi, pagkatapos magpaparinig naman. Galit ako sa mga taong gusto nilang iniintindi mo sila, pero grabe namang manghusga sa’yo. Galit ako sa mga taong akala ko kilala ako pero makuha pang magbintang ng kung anu-ano. Galit ako sa mga taong sasabihing takot sila na ganun ganito pagkatapos dadamayan mo, sasabihan mong kaya mo yan, pero sasayangin lang pala oras sa mga walang kwentang bagay. Bahala na.Galit ako sa sarili ko dahil sinasabi ko ‘to ngayon dito. Tama na Kat… tama na.
Bukas, ibang araw naman kaya sana kainin ko ang lahat ng pinagsasabi ko dito.