KM2: Bobong Pinoy Ka Ba?

Noong third year, muntik na akong bumagsak sa kursong Psychological Measurements kasi sobrang galing ko sa Matematika. Ito yung asignatura(naks!) kung saan tinuturuan kayong gumawa at magsalin sa Filipino ng mga Psychological test at sinusubukan kung pwedeng gamitin sa lokal na populasyon. Natutunan ko naman siya kahit muntikan na akong bumagsak.

Dahil sa patimpalak ni Ginoong Jkulisap, sinubukan ko nang gumawa ng isang test at ang resulta ay magdedetermina kung bobong Pinoy ka. Sana ay magka-oras kayo para malaman ang puntos niyo dahil nagka-oras din naman akong magsaliksik para rito. Pwede kayong kumuha ng papel para mailista ang sagot niyo. Ang test ay nagsisimula ngayon.

Bobong Pinoy ka ba?

Panuto: Ang mga salita sa ilalim ay mga salitang Filipino na may iba’t ibang antas ng hirap base sa paggamit sa kanila, pinagmulan ng salita, at kanilang porma . kailangan niyo lang aminin sa sarili niyo kung alam niyo ang salita(3), medyo alam(2), at di talaga alam(1). Gagabayan ko na lang kayo kung papaano maglagay ng puntos pagkatapos niyong sagutan ang test.

1.dikya

2. lugami

3. Adhika

4.halinghing

5.kuyukot

6. banal

7.Luwalhati

8.maharlika

9.peklat

10. panibugho

11. pulot pukyutan

12. alingawngaw

13. yungib

14. hugot

15. nangangalumata

16. manananggal

Tapos. Salamat sa Paggugol ng inyong oras para sagutan ang test.

Panuto para sa pagpuntos:

Tapos. Sana ay nakuha niyo ang resulta ng inyong puntos.

Kung hindi niyo nabasa ang panuto para sa puntos,  yun ay dahil wala naman talagang puntos ang mga yun. Una, dahil naniniwala akong walang taong bobo, meron lang ng mas matalino. Pangalawa,dahil naniniwala akong ang pagka-Pilipino ay wala sa malalalim na salitang alam mo, nasa puso yan.:) At higit sa lahat,naniniwala akong ang bobong pinoy ay yung minamaliit at ikinahihiya ang lahing pinagmulan niya. Ikaw na ang humusga. Bobong Pinoy ka ba?

P.S. Para sa akin ang taong may Kamalayang Malaya ay ang taong may paraang kumawala sa limitasyong kumukulong sa kanya. ^^,