Hindi pa ako nakakapag-1 year sa blogging world pero kakapalan ko na lang ang mukha ko. ^^ Medyo malapit na kasi birthday ko kaya may pabor sana akong hihilingin sa mga kapwa bloggers ko at sa lahat ng nagmamahal(chos) sa’ken. 🙂
Hindi ako materialistic na tao, slight lang, kaya hihingi lang ako ng mga bagay na alam kong magpapasaya sa’kin ngayong malapit na akong mag-17. hahah. Pwede niyo ba akong gawan ng greeting(fan) sign o kaya testimonial, o video greeting o kahit anong orihinal na ideya niyo para iparating sa’ken ang pagbati niyo? 🙂
Pakisend na lang sa jay_danieles@yahoo.com o kaya ipost sa facebook page ko “Kwento ni Kat”, o post niyo lang url niyo sa comment box ko, o kung anumang paraang alam niyo, bago o sa June 15 mismo. 🙂
Premyo: ok na ba ang unending friendship kasi di naman pakontest to.. ^^
Kung ok lang naman sa inyo pero sana ok. ^^ pa-cute ako ng pa-cute sa post na to, halata ba? XD
