Medyo Late Na New Year Post

I have very few happy childhood memories. Sa palagay ko nga, kapag nagkukwento ako, paulit-ulit na lang. Kaya kung friends tayo, tapos parang nabanggit ko na yung kwento, hayaan mo na, kasi mga lima lang talaga lahat ng maalala ko, paiba-iba lang ng POV. Hahah. Anyway, isa ito sa mga naaalala ko.

Hindi talaga naghahanda ang nanay ko sa mga celebration. Wala para sa birthday ko, sa birthday ng mga kapatid ko, lalong wala para sa tatay ko, at kahit na sa birthday ni papa Jesus. PERO naghahanda siya para sa bagong taon. Kumpleto yan. May 12 fruits, may fruit salad na pinapalagay sa ref ng kapitbahay, minsan may queso de bola na hindi ko pa rin alam ang lasa hanggang ngayon(pang display lang kasi ata ‘to), may chocolates, at mawawala ba ang spaghetti?

Kapag countdown na, may torotot talaga ako noon. Naalala niyo yung mga torotot na gawa sa mga lumang films? Yun kadalasan nabibili ng nanay ko. Tapos may dala-dala talagang sandok yung nanay ko, hinahampas niya sa kaserola para mag-ingay. Ewan ko, bakit pa siya nag-eeffort, eh maingay din naman siya kahit wala yung sandok at kaserola. Pagkatapos mag-ingay, pupunta kami sa bintana namin. Doon kami maghihintay ng fireworks. Naalala ko pa, malapit sa barangay namin, merong may nakatirang may-ari ng hotel, kaya bongga talaga yung pa-fireworks. At dahil bata pa ako, magical para sa’kin yun. Core memory unlocked. Mga ilang minuto din na masaya kami bilang pamilya. Gagi, bakit ako naiiyak? Hahah.

Asahan niyo na pala ang mga ganitong post, kasi I want to tackle issues I’ve had before. Gusto kong isa-isahin, himayin, pangalanan, at tsaka pakawalan. Don’t worry, I’m in a good place now. I can genuinely say I am happy and living a life na pinangarap ko lang noon. Kaya nagkalakas loob din akong maging mas open.

Anyway, sa ngayon, para sa’kin yung bagong taon, para siyang paalala na there can be new beginnings. Na pwedeng magkaroon ng clean slate. Parang cliche noh? Pero some people just needed some sort of reason to start anew. Bigay na natin yung New Year.

Kaya nag-celebrate talaga kami nang nakaraang New Year’s Eve. May fruits, hindi nga lang 12, may fruit salad na nilagay na sa ref namin na fully paid, may queso pero di bola, may chocolates, at syempre di mawawala ang spaghetti. Walang torotot,wala na rin ang sandok at kaserola, pero nag-ingay gamit ang beep-beep ng sasakyan namin hindi pa fully paid. Hahah.

At syempre, nag-abang ng fireworks kasama ang pamilya ko.

Sana magical din ‘to para sa mga anak ko. Sana we have unlocked a core memory for them. At sana, balang araw, hindi maging paulit-ulit ang kwento nila. #

“Behold, I am doing a new thing; now it springs forth, do you not perceive it? I will make a way in the wilderness and rivers in the desert.”

Isaiah 43:19