SinosiKat? 1.0

Ako si Kat. Hindi ako ang pusa ng kapitbahay niyo na tinamad magbigay ng pangalan sa alaga niya. Ako lang ang batang pinangalanang Katrina ng nanay niya dahil ginusto ng nanay na parang maldita sa pandinig ang pangalan. Sa kasamaang palad, ang dami pala kaming maldita pakinggan ang pangalan, kasi naman, mula pa nung elementarya,may kasabay na ako sa pagsabing “Present ma’am!” tuwing binabanggit ang pangalang Katrina. MArami man akong kapareho ng pangalan ay naniniwala akong nag-iisa lang ako sa mundong ito.

Mahilig akong kumain. Gusto kong isipin na di ako tumataba kahit na gaano kadami ang kinakain ko.  Sa kasamaang palad, kahit anong paniwala ko sa sarili ko ay hindi nadadaya ang weighing scale. May ginagawa ba ako para naman pumayat ng konti? Siyempre meron! Sinasabi ko sa sarili ko na mag-eehersisyo na ako bukas, kaya lang, sinabi ko rin pala yun kahapon at baka sasabihin ko rin yan bukas.

Mahilig din akong manood ng kung anu-anong palabas sa TV. Nung bata ako, nakahiligan kong manood ng mga cartoons tuwing weekend at tuwing hapon.Kaya masasabi kong pinalaki ako ni Sarah, Judy Abbott, at ni Remy. Naaalala niyo rin ba ang power rangers? Hanggang ngayong, palaisipan pa ri n sa’kin kung medyo racist ang producers nito African American para si Black Ranger tsaka Asian naman si Yellow Ranger? Diba? At isa rin sa gusto kong malaman ay kung nakapanood na ba kayo ng jetman? Kasi parang ilan lang kaming alam ang Jetman!

Mahilig din akong magbasa. Kaya lang, medyo limitado ang nababasa ko sa kung ano lang ang naibibigay sa’king libro. Dati, naaalala ko merong mga nagpapa-renta ng mga komiks na horror at romance. Yun ang palagi kong hinihiram at binabasa. At kung angkop sa bata ‘yun ay hindi ko na alam.Wala namang lumalabas na paalala mula kay MTRCB tuwing bubuksan ko ang komiks.

Higit sa lahat, mahilig akong sumulat. Magaling kasi talaga ako sa spelleng, pati na rin sa grammatic ko. Nung nasa elementarya ako at habang nakikinig ng maiigi sa teacher ko kung ano ang mga binebenta niya, pumasok ang principal namin sa room. Sabi niya, kailangan niya daw ng mga writers para sa isang contest. Sinabihan ako ng teacher ko na ako daw bahala sa “feature”. Ang sa isip ko,”Makakain ko kaya  yang feature na yan?”.  Dahil sa tanong na yon at dahil sa hilig ko sa pagkain, parang gusto ko na ang “feature”. Nang nalaman ko kung para sa ano talaga ang feature, naisip kon maraming beses ko  palang ginusto ito kesa sa pagkain.

Sa araw na’to, yan lang muna ang kwento ni Kat. =)

56 thoughts on “SinosiKat? 1.0

    • hahah! 😀 salamat! ako ang batang naliligaw at bigla na lang nawawala kaya ayon naligaw ako sa crib mo. Ang dami kasing views ng blog mo kaya nagbasa-basa ako.=) kakatambay ko lang dito sa WP na tagalog, ang kulit! 😀

      Like

  1. Bayad yung mga nagvi-view na yun huwag ka maingay, hahaha. Malaking pamilya na din kasi, maglibot-libot ka lang madami ka makikilala. Parang hindi ka 17 y/o sa iniwan mong reklamo sa “angels on booze..” post ko, at that age may lalim ka na, *klap-klap.

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      hahah. =) gusto ko pang maging bata, kaya 17 na lang muna ako. =) ang maganda diyan, kung gusto kong maging beinte bukas, pwede rin. =) hahah

      Like

      • Hindi yun ang sinabi ko. *wenk wenk

        ang sabi ko “uy may magandang dalagang nagawi, friend na si sunnystarfish na ayaw patawag ng pangalan niya, ang saya naman na nandito ka rin, yey!”

        yun ang sinabi ko, Gince. Gince. Gince. Hehehe.

        Like

  2. sunnystarfish's avatar sunnystarfish says:

    @ kat : sige lang, mamasyal ka lang dun. Pasensya na may bolerong(yin) nagawi dito. haha. Gandang umaga!

    @ bolero : weh! Bola!!! Bola bola o asado? Gandang umaga Yin, Yin, Yin.

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      yun rin sabi ng isang kuya ko.. there are three stages in life. =) teens. they have all the energy and time, but they don’t have the money. =) adults. they have money and energy, but they don’t have time. old. they have the time and money, but they don’t have the energy. =) heheh. salamat sa pagbisita dito. =)

      Like

  3. ang cute hahahaha.. natawa naman ako dun… hmmm..

    hindi ka naman magulong kausap, youre easy to distract! pati ba naman tuko sa pader pinansin mo?! natawa talaga ako… wahahaha

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      ako ba yung cute? 😉 o yung tuko? =) andami kasing tuko sa dorm namin, harmless naman. hahah. =)

      pero hindi ako madaling ma-distra- oy! kaninong ice cream yang nasa sala? 😉 heheh

      gandang araw lee! =)

      Like

  4. katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

    ahahah. 😀 ang kwento ba? =) akala ko ako na. hahah. =)

    next time, baka mag-post rin ako tungkol sa mga tuko dito sa dorm. hahah. at yung ice cream pala, binili ng roomate ko para sa’kin. heheh. may masabi lang. hahah

    gandang araw saýo lee! =)

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      apir! 🙂 like na kita nurseblublu! 🙂 hahah. palagi talaga ako nanonood niyan eh tsaka crush ko talaga si Black condor. hahah

      gandang araw! 🙂

      Like

  5. hangkulet! hindi ko alam kung naligaw ka na sa datkom (tingen ko naligaw ka na nga dati) pero ako, magbabalik talaga rito.

    alam ko ang jetman at kabisado ko pa nga ang intro anthem nila (jet-o-jet-o-jet-o-man!). mahilig din ako magsulat at alam mo kung ano ang nakakatawa? forte ko ang feature writing nung elementary at hayskul. namimiss ko na nga ‘yung mga schools’ press conference na ‘yun dahil nakakasakay ako ng barko at eroplano at nakakapunta sa iba-ibang lugar sa pilipinas nang libre. haaay….

    o pano, hanggang sa muli katrina (halili!) :p

    i’m never gonna dance again,
    lio loco

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      nakapunta na ako dun sa datcom mo lio loco. 🙂 nag-congrats ako dahil naiinggit ako sa napanalunan mong portable hard drive. heheh

      yey! 🙂 may nakita na naman akong nanonood ng jetman! 🙂 alam mo, nung una kong kinuwento yang jetman, sinabihan nila akong gumagawa lang ng kwento-kwento..T.T kaya na-inlab ako sa naka-memorize ng mga pangalan ng mga jetman. hahah

      sumasali ka rin pala sa mga schools’press conference? 😀 yan yung contest a pinagsasabi ng principal namin eh. hahah. at feature writing yung nasalihan kong event. hahah

      salamat sa pagbisita sa pahina ko lio. 🙂
      gandang araw! 🙂

      Like

  6. cloverxxkorhz's avatar cloverxxkorhz says:

    Hello there! 🙂

    Nakita ko un link mo kay Jec.. :))
    Congratz pala!!! XD

    *P.S. ang kulit ng description mo, nakaka-aliw basahin!

    Have a good day!

    peace&smile,
    _korhz

    Like

  7. Pambihira! Napahagalpak ako sa katatawa habang binabasa ko ‘tong sinulat mo. At dahil dyan, susundan ko ang mga kapana-panabik na tagpo ng buhay mo at ilalagay kita sa listahan ng mga nawawalang Teletubbies sa blog ko–or in other words, ang tinatawag nilang blogroll.

    Ipagpatuloy mo ‘yan! Keep writing. 🙂

    P.S. Bakit nga kaya pag Katrina ang pangalan, masusungit kagad ang unang impression? Haha. I had the same first impressions sa mga naging kaklase kong Katrina ang pangalan. Ah ewan. 😛

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      salamat raymond. ^^ maraming salamat sa pagbisita mo sa’king blog at paglagay na rin ng pangalan ko sa iyong blogroll. 🙂 nakabisita na ako sa blog mo at napahanga ako sa mga pictures. ang galing lang talaga! 🙂 nahihiya tuloy aakong umepal.^^

      hahah. andami ring nagsabi sa’kin na yan ang first impression nila saken at yan talaga ang totoo. hahah. Maldita talaga ako.XD

      gandang araw saýo raymond at welcome sa pahina ko. ^^

      Like

  8. hello..
    buti sinabi mong hindi ikaw si ‘cat’. so, naisip ko kung hindi ikaw si cat, baka naman ikaw si ‘cut’. buti nalang niliwanag mo.ikaw pala si kat 🙂

    nakibasa lang po.

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      hahah. hello!^^ salamt sa pagbisita!yup, ako nga si kat! hahah. nice to meet you Eli! 🙂 Kamusta ka? I’m fine naman, thank you!

      Like

Leave a comment