Bumili ako ng lotto ticket kahapon, yung scratch. First time kong bumili. Kasi palaging may joke yung mga kaibigan ko na maswerte ako sa mga pa raffle at mga pa-contest. Bakit daw di ko subukang tumaya sa lotto, at baka manalo. Hahah.
Kung bakit nila nasabing maswerte ako… ganito kasi yun.



Bukod sa mga nabanggit ko na, meron nga pala akong “Xpander(brand ng sasakyan namin) Car Group” na nasalihan kung saan pinasulat kami tungkol sa kung bakit Xpander ang napili naming sasakyan. Ang mapipili ay pwedeng maging endorser sa latest campaign nila. Eh gusto yung mga pa ganun. Yung magsasalita ka lang, tapos bibigyan ka ng pera. hahah. Akalain mong napili yung entry ko. Dahil blog ko naman ‘to, syempre hindi ako mahihiyang mag-plug ng endorsement namin. hahahah
At heto na nga ang latest mga Mare, meron akong sinalihang writing contest last year. Yung Write to Ignite Blogging Contest by Comco SouthEast Asia. At hulaan niyo sinong nanalo. Basahin yung full artcile dito. =)
Hindi exhaustive ang list na ‘to. Nilista ko lang yung napanalunan ko for the past two years. At kung meron mang “swerte”, hindi yung mga nakalista ang una kong maiisip. Yung una kong maiisip ay yung asawa ko. Kasi, sa kanya pa lang, parang nanalo na ako sa lotto.



Congratulations Kat! Swerte!
LikeLike
Thanks te! =)
LikeLiked by 1 person