Monday.
Pumuwesto ka sa mesang nasa harapan ko. Sa kabilang mesa. Nakaharap ka sa sa’kin. Bago ka talaga umupo, nagkasalubong ang tingin natin. Ang humihiwalay lang sa’tin ngayong dalawa ay ang mga mesa at dalawang upuang walang may nakaupo. May hinihintay ka ba? Mukhang wala. Hindi ka na tumingin sa direksyon ko. Nakabaling lang ang tingin mo sa inorder mong mainit na kape. Habang ako naman, pinipilit na mabaling atensyon ko sa inorder kong malamig na cokefloat. Mainit na kape. Malamig na cokefloat.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na umiwas ng tingin.
Tuesday.
Ang swerte ko kasi nandito ka uli. Sa parehong lugar. Sa parehong pwesto. Sa parehong oras. Masaya lang akong makita kang muli. Sana magkakilala tayo. May kumaway sayo. “Hi Zyra” sabi ng kumaway sa’yo. Nagkamustahan kayo ng konti tapos umalis na din siya. Zyra pala pangalan mo ako. Ako naman si Andrei. Andrei. Zyra.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na umiwas ng tingin
Wednesday.
Ang saya ko lang. Kasi mukhang palagi kitang makikita sa ganitong tagpo. Sa parehong lugar. Sa parehong pwesto. Sa parehong oras. Bago ka ulit umupo, nagkatinginan uli tayo. Yun pa rin. Tinginan lang, walang ngiti. Sa plagay ko, natatandaan mo na mukha ko. Sa ngayon, hindi lang kape ang dala mo, may dala ka ring aklat, classic, Scarlet Letter by Hawthorne. Ang pagkakataon nga naman. May dala din akong libro ngayon! Science fiction, Sphere by Michael Crichton. Classic. Science Fiction.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na umiwas ng tingin
Thursday.
Sa totoo lang, bumalik talaga ako ngayon at naghahangad na makita ka. At hindi naman ako nabigo. Sa parehong lugar. Sa parehong pwesto. Sa parehong oras. Dala mo pa rin libro mo pero ako laptop na. Libre kasi wifi dito eh. Magblog ako. Magblog ako tungkol sa’yo. May kinuha ka sa bag mo. Notebook. Tinignana mo uli bag mo, may hinanap ka. Ballpen. At nagsimula kang sumulat. Ano kaya yan? Planner?Ang arte naman para sa isang planner. Baka diary? Pareho pla tayong nagsusulat? Blog. Diary.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na umiwas ng tingin
Friday.
Dala ko na uli ang aklat ko. Ikaw din. Sa parehong lugar. Sa parehong pwesto. Sa parehong oras.Todo focus ka, ako naman hindi makapag-concentrate sa binabasa ko. Panay tingin ko sa’yo. Panay din ngiti ko habang nagbabasa. Pero kahit ganun ramdam na ramdam ko ang katahimikan sa pagitan nating dalawa. May tumunog na cellphone. Call me maybe ang ringtone. Teka lang, akin yun ah! Napatingin ako sa’yo. Bigla akong nahiya kaya imbes na sagutin ko eh pinatay ko. May tumunog uli.
We ought to bake a sunshine cake.
It’s better than a big thick steak.
Start with a tablespoon of trouble.
Then add a smile and let it bubble off.
Sinagot mo yung phone. Alam ko ang kantang yun. Sunchine cake by Frank Sinatra. Yun pala yung mga tipo mong music? Traditional pop. Bubblegum pop.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na umiwas ng tingin
Saturday.
Ano kayang malalaman ko sa’yo ngayon? Dito. Sa parehong lugar. Sa parehong pwesto. Sa parehong oras. Sa limang araw na nagdaan, nalaman kong mahilig ka sa mainit na kape. Alam ko na din pangalan mo.Kung anong klaseng libro ang binabasa mo. Na susmusulat ka din katulad ko. At ang genre ng music na gusto mo. Stalker? Hindi naman,observant lang talaga. Andami pala nating pagkakaiba. Ibang-iba, katulad ng kung paano tayo magdamit. Naka-bestida ka palagi, naka-doll shoes, naka-pusod ang buhok. Bagay sa’yo. Lumilitaw ang ganda mo. Ako naman, shirts lang, jeans, sneakers. Bagay sa’kin. Jologs. hahah. Floral Dresses.Faded Jeans.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na umiwas ng tingin
Sunday.
Wala ka. Sa parehong lugar. Sa parehong pwesto. Sa parehong oras. Bakit kaya? Medyo nalungkot ako. Tinignan ko ng mabuti ang inorder kong caramel sundae tsaka french fries. Ang lungkot naman nilang tignan. Tinignan ko uli pwesto mo. Yehey! Dumating ka! Ang saya ko lang! Kumpletong-kumpleto na ang linggo ko! Sigaw ng isip ko. May dala ka ding caramel sundae tsaka french fries. Tinignan ko ang sundae at fries ko. Ang saya nang tignan.Kumuha ako ng dalawang french fries. Ganun ka din. Sabay na nagdip ng fries sa sundae. Sabay na sabay. Sabay kagat. Caramel Sundae. French Fries.
Nagtinginan tayong dalawa at sabay na ngumiti.
parang commercial lang ng mcdo!! kakilig!!
LikeLike
engr! 🙂 oo nga noh. 🙂 McDo tlaga setting neto pero di ako binayran ng McDo kaya di ko na namention. wahahah. 🙂
LikeLike
oo nga naman.. ehehehehe..
LikeLike
yiiiiiiii kakilig naman… sa susunod sana magkatabi na sila, magkasalo sa isang caramel sundae at french fries 🙂
LikeLike
te madz! hello! baka. 🙂 baka sa susunod isang table na sila. baka magka-share na ng fries at sundae. :)) sana. :)) salamat sa pagdayo dito. ^^
LikeLike
Yung tipong iniimagine ko na ako ito, tas si Lester tas kunwari hindi kami magkakilala tas kinikilig ako lels lang
SANA MAY PART2 haha
LikeLike
ate zy!^^ ikaw tlaga naalala ko nang mag-isip ako ng name! pagamit ng name! ^^ ayiii! kinilig din ako ng sinabi mong si kuya lester naman yung guy.^_____^ ewan ko pa kung may part 2. 🙂
LikeLike
ang simple pero, nakakakilig ♥_♥ ganitong lablayp ang gusto ko men! yeah!
LikeLike
hana! 🙂 darating at darating din yang ganyang lovelife sa’yo.ayiiii!
yup, ganun talga mga kwento ko,simple para marami ang pwedeng maka-relate at makaramdam na kwento din nila ito.. ^__^
LikeLike
ang lupit! dumami ang keso ko sa katawan!
LikeLike
hahahah. salamat the thewaterwithnomouth!:) at welcome sa blog ko! maraming salamat sa pagbisita dito. 🙂
LikeLike
walang anuman;) hihintayin ko yung sunod mong blog 😀
LikeLike