Una, gusto kong mag-sorry dahil angtagal-tagal bago ako makapag-blog. Pangalawa, gusto ko mag-sorry dahil kailngan ko ng isara ang blog na ‘to. 😦
Rason: kasi, kasi, kasi may mga taong ayoko sanang nagbabasa ng blog na’to . Mga taong habang nagbabasa ng blog na ‘to, pakiramdam ko, hindi ako makasulat. Mga taong iisipin ko muna ang iisipin sakin bago ako makapagsulat.Basta ganun.
Sa mga taong hindi dapat magbasa ng blog na ‘to: alam niyo kung sino kayo, mararamdaman niyo yun, magi-guilty kayo kung nagbabasa kayo neto, makikita niyo mismo ang konsensya niyo na parang sa safeguard commercial lang… parang awa niyo na, lubayan niyo na ang blog na to. Pero since hindi ko naman talaga magagawa yun, ako na ang lalayas sa blog ko. Ang drama oh! Pero baka magbago din ang isip ko kasi handami ng subscribers ng blog na to..heheh
Napansin ko lang, ang dami-daming taong namimiss ako ngayon. Puwes,ito lang masasabi ko sa inyo! Miss na miss ko na din kayong lahat!!! Sobra! Gusto kong maging nasa napakaraming lugar sa isang oras.
Ay, ang drama ko talaga ngayon. Kasalanan to ni Adele eh. Ang babaeng yun, nakipag-break lang sa bf, yumaman agad! Kung nakapagpapayaman ang heartbreak, makikipag-break ako kahit sa hindi ko boyfriend. XD
Yung bago sa’kin? Iphone. Bwahahah! Overrated na Iphone. Kaya ang arte ko sa facebook. Kung makapag-post, instagram dapat. Insta-instagram mode tsaka ipakita dapat na via mobile ang post. Tsarot. Ibalik ko tong Iphone na to sa globe eh. Ayaw akong lubayan ng confusing billing method nila. hahah.
Tsaka, tsaka.. may isa pang bago.. pero i-post ko na lang mamaya dahil ma-drama much. heheh. Miss ko na kayo! *wave
P.S. naisip ko lang parang impeachment ako sumulat ngayon, ang gulo.
Kung aalis ka… baka umalis na rin ako? 😛
LikeLike
Kuya noel! 🙂 Ay wag naman. heheh. Kamustasa? 🙂
LikeLike
kung saan ka masaya suportahan taka
LikeLike
salamat. 🙂 I know you would support me. charot! 🙂
LikeLike
welcome back! 😀
LikeLike
welcome din uli dito. 🙂
LikeLike
Kung lilipat ka ng blog, I swear, hahanapin kita.
LikeLike
Hindi mo na ako kailagan hanapin. ^^, nandyan lang ako sa paligid-ligid. 🙂
LikeLike
makikitsismis lang. lol! blogger din ba ‘yung mga gusto mong di makabasa ng crib mo? anyare?
kung lilipat ka ng blog, pwedeng pakiabisuhan naman ako saang lupalop ka lilipat? 🙂
LikeLike
hahah. grabe naman. XD hindi kapwa blogger. mga tao-tao lang sa paligid. lol.
Oo naman. Aabisuhan ko kayo. Kayo pa!
Makiki-usyoso lang din ako, bakit yung usually one word title mo sa post mo, naging isang paragraph? hahah. naka-subscribe ako sa blog mo thru google reader(o ayan,merong stalker) pero paano kaya ako mag-subscribe na sa email lang talaga mismo? Diba may pinipindot yan na Subscribe here? ay, FAQ ba ito kat? XD hahah
LikeLike
Aalis na ako dahil ala yata ako sa blog roll mo? 😛 Ayos naman. Nagsusulat pa rin… 🙂
LikeLike
*waaaaaave..*
na-miss ko tumambay dito…
LikeLike