Tuwing bisperas ng birthday ko, hinihintay ko talaga mag-alas dose para batiin sarili ko. Hindi ko yung nagawa ngayon dahil napagod ako sa kahahanap ng trabaho at nakatulog ako agad. Pagkagising ko nung June 15, unang nasambit ko “21 na ako”. XD Kung naalala niyo pa, humingi ako ng pabor at heto ang mga taong pinagbigyan ang kahilingan ko. ^^,
Mula kay Kuya pong! 🙂 Nagkakilala kami sa blogosperyo pero pakiramdam ko ang close-close na namin. hihih. Kung meron sana akong kuya,gusto ko katulad ni kuya Pong, yung may takot sa Diyos at kaya kang payuhan tungkol sa mga bagay-bagay na wala kang ka-alam-alam. Sana magkita kami balang araw. ^^,
Mula sa kaibigan kong napakahalaga sa buhay ko. =) Kahit ganito ako, may mga tao namang natatanggap ako sa kung ano ako, at isa siya dun. Siya yung kaibigan kong panghihinayangan ko talagang mawala. Maswerte ang taong mapapangasawa niya. Wahahah. Wag niyo nang pansinin ang stressed kong mukha. hahah
Mula kay kuya Bino. Siya lang naman ang may-ari ng damuhan dot com. Oha! sikat! Nakita ko siya sa Saranggola Blog Awards at mula nun ay tagasubaybay na ako ng kanyang pahina. =)
Mula kay nang leah. 🙂 Magkakilala na kami ni ate Leah kasi nasa isang lugar lang naman kami nung college ako. Medyo tahimik sa personal pero palakwento sa blog niya. ^^, Tagasubaybay ako ng blog niya kasi may tungkol sa lablayp niya. heheh. Mayaman tong si ate leah pero humble. hihih. Nang leah, *Huuuuuuuuuuug! May pic greet na, may testi pa!
Isang Tula
Hindi man tayo magkakilala
Hayaan mong haplusin ka
Ng aking nanlalamig na mga salita
At yapusin ka ng nangingiki kong tula.
Kung sakaling kayang mapagbaga,
Ang iyong puso ng aking nanlalamig na tula—
Gaya ng apoy na darang sa kahoy na basa
Aaminin ko, ang puso’y labis na matutuwa.
Sa araw na ito, hayaan mong bigkisin
Tayong dalawa ng tulang kulang sa aliw-iw
At ang lubid ng salita’y maging saliw
Sa paggunita sa iyong unang uha, unang paggiliw.
Ngunit sakali mang hindi payagang
Ang mga salita’y mahaplos man lamang
Ang bahagi ng iyong puso, iyong kalooban—
Anag-ag itong hahayaan na lamang
Na pumailanlang sa malawak na kawalan.






Happy birthday kat! Pasensya na hindi ako nakagawa ng birthday greeting. Aymsobese.
LikeLike
ate salbe! 🙂 tenkyoo! hokay lang. heheh. malapit na rin ang blogsary ko eh. heheh dun ka na bumawi. XD hahah.
LikeLike
Happy birthday ulit Kat! Sorry din, absent din ako sa special greetings… masakitin kasi ako eh… ang sakit: procrastination. Ayan tuloy.. 😦 di bale, babawi na lang ako next year. hehehe… pero may handaan din naman last night dito sa bahay… bday din ni kuya eh. hehehe. pareho pala kayo.
LikeLike
oi, pareho pala kami ng kuya mo. 🙂 Kambal kambal yung talento at kagandahan(at kapogian) nung mga pinanganak ng JUne, alam mo ba? heheh Happy bithday sa kanya! 🙂 salamat nang heart sa pagbisita dito.:)
LikeLike
Sinong mayaman? Sinong MAYAMAN? Hehehe.. kat ha, palabiro ka pala. #lol..
Happy birthday ulit, Kat. Good luck! God bless! ♥
LikeLike
pwede gali ang ❤ di? ^^, salamat nang leah, your richness! hihih
LikeLike
muli, maligayang kaarawan sa yo 😀
LikeLike
kuya bino, salamat talaga,binigyan mo ng oras kahit busy ka! 😀
LikeLike
wee! nakahabol pala yung pagbati ko 🙂 ^_^
Salamat sa magagandang salita, kaibigan 🙂
LikeLike
heheh. 🙂 totoo naman yun jec. 🙂 salamat talaga! pasensya na di na ko nakapagbloghop. 😦 kung may work nako, balik bloghop uli ako! ayt!
LikeLike
Kat, blessed birthday sa iyo! Kinantahan kita sa FB sana nabasa mo. xD
Kasi pang FB lang boses ko hahaha.
Dalangin ko na makahanap ka na ng work mo. At pangako, pag may pagkakataon at yung pinag-usapan natin, dadalaw ako diyan.
Stay blessed!
LikeLike
kuya pong! 🙂 nabasa ko. ^^, maraming salamat sa pic greet tsaka sa kanta. hihih.
Oo kuya, yung pinag-usapan naten. hihih. dalhin mo si.. heheh
God bless kuya pong! 🙂
LikeLike
happy birthday kat! 🙂
LikeLike
salamat apollo! 🙂
LikeLike
have a blessed birthday..^^
LikeLike
maraming salamat at welcome sa pahina ko. ^^
LikeLike
ui huli man babati pa rin ako ha..hapi kaarawan!
LikeLike
salamat ng marami! ^^ nakakamiss ka! 🙂
LikeLike
Maligayang bati sa iyong kaarawan! Nawa’y pagpalain ka ng Dakilang Lumikha sa lahat ng iyong mga gawain at magpatuloy ang Kanyang mga biyaya sa iyo at sa iyong pamilya!! XD
LikeLike
kuya tarbs, maraming salamat sa pagbati. ^^ Nawa’y pagpalain ka rin ng Diyos kuya. 🙂
P.S. nabasa ko entry mo para sa KM2, nahiya tuloy ako sa entry ko. 😦
LikeLike
wahhh kat super balted happy Birthday sa iyo! ilang weeks din ata ako na hindi makaikot sa mga blogs. hindi tuloy kita nabati on time. anyway,
HAPPY BIRTHDAY ulit! mabuhay and more power!
LikeLike