Noong third year, muntik na akong bumagsak sa kursong Psychological Measurements kasi sobrang galing ko sa Matematika. Ito yung asignatura(naks!) kung saan tinuturuan kayong gumawa at magsalin sa Filipino ng mga Psychological test at sinusubukan kung pwedeng gamitin sa lokal na populasyon. Natutunan ko naman siya kahit muntikan na akong bumagsak.
Dahil sa patimpalak ni Ginoong Jkulisap, sinubukan ko nang gumawa ng isang test at ang resulta ay magdedetermina kung bobong Pinoy ka. Sana ay magka-oras kayo para malaman ang puntos niyo dahil nagka-oras din naman akong magsaliksik para rito. Pwede kayong kumuha ng papel para mailista ang sagot niyo. Ang test ay nagsisimula ngayon.
Bobong Pinoy ka ba?
Panuto: Ang mga salita sa ilalim ay mga salitang Filipino na may iba’t ibang antas ng hirap base sa paggamit sa kanila, pinagmulan ng salita, at kanilang porma . kailangan niyo lang aminin sa sarili niyo kung alam niyo ang salita(3), medyo alam(2), at di talaga alam(1). Gagabayan ko na lang kayo kung papaano maglagay ng puntos pagkatapos niyong sagutan ang test.
1.dikya
2. lugami
3. Adhika
4.halinghing
5.kuyukot
6. banal
7.Luwalhati
8.maharlika
9.peklat
10. panibugho
11. pulot pukyutan
12. alingawngaw
13. yungib
14. hugot
15. nangangalumata
16. manananggal
Tapos. Salamat sa Paggugol ng inyong oras para sagutan ang test.
Panuto para sa pagpuntos:
Tapos. Sana ay nakuha niyo ang resulta ng inyong puntos.
Kung hindi niyo nabasa ang panuto para sa puntos, yun ay dahil wala naman talagang puntos ang mga yun. Una, dahil naniniwala akong walang taong bobo, meron lang ng mas matalino. Pangalawa,dahil naniniwala akong ang pagka-Pilipino ay wala sa malalalim na salitang alam mo, nasa puso yan.:) At higit sa lahat,naniniwala akong ang bobong pinoy ay yung minamaliit at ikinahihiya ang lahing pinagmulan niya. Ikaw na ang humusga. Bobong Pinoy ka ba?
P.S. Para sa akin ang taong may Kamalayang Malaya ay ang taong may paraang kumawala sa limitasyong kumukulong sa kanya. ^^,
yehey kat!
Ang tunay na magpapalaya sa tao ay ang kaisipang ikinulong tayo ni Taning kaya tayo naghahangad ng higit pa!
Ang seryoso ko lang! bow!
LikeLike
kuya pong. ^^ nakakamiss ka! sobra! 🙂 nosebleed kuya pong. 🙂
gandang araw sa’yo kuya pong! 🙂
LikeLike
isa lang po akong hamak na magbabasa ng blog mo simula nung nikuwento ka ng isang kaibigan. bilib po ako sa panulat mo.
tungkol sa patimpalak ni sir jakul, naisip kong may isang blogger na gagawa ng style na ginawa mo sa taas. hindi ko lang nahulaan na ikaw ang gagawa nun. haha!
same wavelenght? yey! ibig sabihin, di ako bobo. 😀
LikeLike
kung nahulaan mo na ako ang gagawa nun, may pagka-Nostradamus ka na nun 🙂 welcome sa pahina ko! 🙂 maraming salamat sa pagbisita at sakaibigan mong naikwento pa ang blog ko.. 🙂
doon naman sa patimpalak ni Ginoong JKulisap, hindi ko tlaga inintindi muna kung anu ang lahok ng iba kasi alam kong may sarili-sarili kaming orihinal na ideya. 🙂 baka ma-intimidate lang ako kung magfocus ako dun. ^^
inisip ko lang na gawin ang makakya ko sa paraang alam ko. 🙂
welcome uli dito. 🙂 gandang araw sayo. 🙂
LikeLike
tama ka kat. hindi lang dapat sa kulay ng balat at wikang ginagamit nakikilala kung sino at ano tayo bilang Filipino. sa isip, sa salita at sa gawa- ganun dapat.
Ang bobong pinoy, sa aking pananaw, ay ang sinumang Filipino na maniniwala na bobo nga siya.
LikeLike
kuya duking! 🙂 kamusta-kamusta-kamusta? 🙂
salamat kuya duking sa pagbisita at pati na rin sa pagbigay ng komento dito. 🙂
tama ka kuya, yung bobo lang ay yung nagpapaniwala silang bobo sila. 🙂
gandang araw sa’yo. 🙂
LikeLike
Karamihan ng mga blagger na sumali sa KM2 patimpalak na iyong sinalihan ay halos pare-pareho ang naging tema ng kwento. Mukhang ito ay naging sanhi ng kung ano ang mga salitang dapat na nakapaloob sa loob ng blog.
Ngunit ang iyo’y sadyang naging kakaiba. Hindi ka nagpadala sa indayog ng mga salitang gabay tilad ng halinghing, kuyukot, dikya, peklat atbp . Kung ang karamihan sa mga sumali ay madalas na ang naging paksa ay tumukoy sa sekswalidad, ang sa iyo ay nagawa mong intelihente at mala-akademiko ang dating. Sa iyo ang pinakakakaiba.
Magaling! Magaling! Magaling!
LikeLike
maraming salamat sa pagbisita at salamat din at na-appreciate mo ang naging ideya ko para sa patimpalak na ito. 🙂 meron naman kaming sari-sariling orihinal na ideya kaya challenging talaga ang patimpalak na ito. 🙂
welcome na welcome ka dito sa blog ko . 🙂 gandang araw sa’yo john. 🙂
LikeLike
Galeng Galeng! 😀
Wala naman talagang taong bobo…
Gawa-gawa lang ‘yun ng malikot na imahinayson ng mga tao…
😀
LikeLike
tumpak! gawa-gawa nga lang naman yan. 🙂 salamat kuya mao. 🙂
LikeLike
kakaiba ang ideya dito, napakahusay mong sumulat…
LikeLike
maraming salamat jmmadalai. 🙂 welcome sa blog ko. 🙂
LikeLike
Hi Kat, muntik na akong magbukas ng Excel para sagutan ito! 🙂
LikeLike
ate salbe!^^ iba na talaga ang statistician! 🙂
LikeLike
hahaha! kakaibang istilo ang post na ito! pero may tama ka, Kat! masarap paniwalaan na walang Bobong Pinoy. Nasa pagsasariling sikap ‘yan na pagibayuhin ang karunungan at pagpapa-iral ng sentido kumon para mas maging maayos at matibay sa paglalakbay sa buhay.
gandang umaga po! padalaw ulit sa sususnod!
LikeLike
kuya bong! 🙂 welcome na welcome ka dito sa blog ko! 🙂
ganyan din po paniniwala ko.. :)na wala namang bobo eh, meron lang mga tamad matuto. ^^
salamat po at na-appreciate niyo ang istilo ko, napilitang mag-isip dahil sa patimpalak ni Ginoong Jkul. 🙂
LikeLike
Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.
Ito po ay Kalahok Bilang 34
34 KM2: BOBONG PINOY KA BA?
Katrinadanieles Cebu
LikeLike
salamat kuya JKulisap sa oportunidad! ^^
LikeLike
ayuz hahahaha! kontes na ginawa pang exam hahahaha!
LikeLike
hanep sa diskarte. panalo. ginawang exam. haha.
dumaan, nagbasa at nagbigay puntos.
‘congrats.
LikeLike
hahaha! ang kuleeet lang!!
LikeLike
hahaha! tama 🙂
LikeLike
una salamat sa pagpunta sa aking bloghay bagamat magiging mas maligaya ako kung nagiwan ka ng bakas. walang bobong pinoy. ang mismong sarili lamang ang nagbibigay ng interpretation. Dahil nasa sarili ang katalinuhan kailangan lamang itong linangin at dagdagan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagtuklas sa mga bagay na mas magpapayabong nito.
ang galing ng iyong entry… iba sa karaniwan
LikeLike
May tama ka! 🙂
Naaasar ako sa mga taong sinasabing bobo sila kasi ganito, ganuon. Napipikon ako sa mga nagse-self pity. In general, walang bobo. Yun nga lang mero talagang slow learner. 😦
LikeLike
Kat Sikat. Dapat talaga ito na ang pangalan mo.
Tuso ka Kat. Walang kahirap-hirap mong ipinunas sa iyong akda ang labing-anim na salita. Magaling na ideya, mapamaraan.
Ikaw na. So babawi ka sa KM3? Unik itong naisip mo. Partida na ‘yan, madalian pa ito.
LikeLike
Nadelete ko na pala Kat yong nakasave sa cell ko about Kamalayang Malaya, pero parang ganito ayon sa natatandaan ko.
” Kayang maging malaya kung nanaisin, kahit na may balikid, ito’y susuungin para ang pag-alpas at pag-usad ay marating.
🙂
LikeLike
panalo ang entrada na ito.. tama ka, walang bobong pinoy. kung mabibigyan lang ng pagkakataon ang lahat na makapag-aral at malinang ang angking talino, tiyak ko na marami sa atin ang madidiskubring henyo..
LikeLike