Kahapon, hindi ko talaga alam na laban na ni Pacman kaya nabigla pa ako kung bakit ang konti ng dyipni. Biglang pumasok sa isipan kong baka holiday o laban ni Pacman… at tumpak ako sa huli kong sinabi. Pampataas lang ng views ang title kaya kung ayaw mong basahin, ok lang kasi sinayang ko na ang isang minuto mo. Ito yung ginagawa ng bagong gradweyt na wala pang trabaho, nagsasayang ng oras ng iba. heheh
Nung pauwi na kami ng kaibigan ko at marahil tapos na ang labang Pacman at Mosley dahil dumami na ang dyip, parang napansin naming walang may nagyayabang kung gaano kagaling si Pacquaio. Natalo ba si Pacquaio at walang may nagyayabang ngayon? Nagtext ako sa mga kaibigan ko kung talo ba si Pacman, sabi nila panalo naman, eh bakit kaya ganun? Kaya naisipan kong manood na lang nga laban nila.
Ang masasabi ko lang ang boring. Yakap ng yakap kasi si Mosley kay Pacman. Pagkatapos may nalalaman pang tulak. Hindi niyo ba naisip minsan na ang boxing ay nagpo-promote ng Bromance? Kasi yung mga posters ng dalawang boxer, parang maghahalikan, pagkatapos sa labanan mismo, may yakapan.

Pero heto ang pinagtataka ko talaga, ano ba ang masaya sa panonood ng dalawang taong sinasaktan ang isa’t-isa? Matagal ko na talagang gustong malaman ang sagot. Kasi ang laki-laki ng ginagastos sa boxing. Bakit tayo gumasgastos para makita ang dalawang taong sinasaktan ang isa’t isa?
Alam ko sports yun, atsaka dapat ginagastusan ang sports kasi nagpo-promote ito ng healthy living. Pero healthy living ba yung palaging duguan kayo pagkatapos ng sports na yun?
Minsan kasi, nawawala na yung tunay na halaga ng isang sports at kung bakit pino-promote ito. Ang alam ko kasi, may sports para mahikayat ang kabataan o mga tao na alagaan katawan nila, iwasan ang bisyo, at matuto ng teamwork, camaraderie(naks!), maging disiplinado at determinado.
Malaki ang respeto ko kay Pacquaio, bilang isang boxer, malaki ang respeto ko sa lahat ng Pilipinong atleta…pero sana, sana lang, hindi nagkakaroon ang impresyon ang mga kabataan na magandang pumasok sa sports dahil ginagastusan ng malaki ang sports at sa sport, may pera.At mas hindi kaaya-aya kung maisip ng iba na ang sports ay tungkol lang sa basagan ng mukha.

bading si mosley, panay ang yakap kay manny hehehe
LikeLike
dapat talaga magpahinga na si mosley. 🙂 salamat kuya sa pagbisita. 🙂
LikeLike
Natuwa ako sa ideas mo Kat.
(tama na ang ganyang koment, baka ano pa masabi ko.)
LikeLike
hahah. 🙂 nacurious tuloy ako kung ano pa sasabihin mo pero hindi na ako magtatanong. ^^ gandang araw sa’yo te salbe! 🙂
LikeLike
siguro kasi noong unang panahon pa man ay uso na talaga ang basagan ng mukha at mahalaga talaga sa mga tao kung sinong pinakamalakas sa mundo.. parang sakupan ng bansa. ganito din sa boxing. champion si paquiao, ibig sabihin mga Pilipino ang pinakamalakas sa ganitong larangan. hehe. matatakot ang ibang lahi. under natin sila. sa boxing lang.
LikeLike
dapat maging presidente sa pacquiao para powerful tayo. heheh. 🙂 matakot na sila!
goyo! kakamiss ka ha.. 🙂
LikeLike
ahem ahem..nasan na ang video? hahaha. joke. nakibasa lang po
LikeLike
huhuh. T.T wala talaga akong videocam kikilabotz. T.T sori talaga..
anyway, salamat sa pagbisita. 🙂 nagbibisita din ako sa blog mo, nahihiya lang akong mag-comment. ^^
gandang araw saýo! 🙂
LikeLike
mas excited pa ko sa berdey ni mommy D kesa sa laban ni pekyaw. masyadong expected ang resulta.
LikeLike
chiii!!! ahahaha!!! siguro ang dapat gawin i rated 18 na lang ang mga payt ni pacquiao… para wala nang mga bata ang makpanuod kapag nakikipag basagan ng mukha si pakyaw.. 😀
hahahaha!!!
LikeLike
natuwa ako dito:
“Alam ko sports yun, atsaka dapat ginagastusan ang sports kasi nagpo-promote ito ng healthy living. Pero healthy living ba yung palaging duguan kayo pagkatapos ng sports na yun?”
napaisip tuloy ako… diba sa tagalog ng Sports ay Isports este Palakasan?
LikeLike
oo tama ka dyan gril. pelikula pa lang ni bossing Vic dati pinamulat na sa akin yan. hehehe
pero alam pang akong kinamulatang eng-eng na sports (excuse me mo sa mga fans naikuwento lang) yong basketball. biruin mo 10 lalaki na sali-salitan pa, nag-aagawan sa isang bola. may balyahan pang gagawin yon makuha lang.
okay lang yan Kat enjoy ang vacation.
LikeLike
isa lang ang maganda sa boxing na ito dahil ang filipino ang number one. Ang kamao ng pinoy ay may kakaibang lakas kaya takot ang ibang lahi sa kamano ng pinoy. Kung suntokan lang naman ang paguusapan ok lang yan basta kamao lang walang ibang gagamitin.
wag kang magalala di pinagtatapat ang dalawang magkalaban kong di nila ito kaya. at may rules naman ito kaya lang pag di ka marunong at nasapol ka yon lang ang problema. laht ng sports maaction lang talaga yon ang excitement doon.
LikeLike