Pakiramdam ko wala akong ganang sumulat ngayon. Isang pakiramdam na hindi pamilyar para sa’kin. HIndi ko alam kung bakit, pero parang alam ko rin, at ayaw ko lang aminin. Kaninang umaga, pagkagising ko, bigla na lang gusto kong magtanggal ng inis sa katawan kaya boila! Nasa kabilang isla na ako ngayon.
Gustong-gusto kong mag-blog tungkol sa masasayang bagay pero parang walang namumutawing masayang salita mula sa utak ko. Pagpasensyahan nyo na. Bukas, ibang araw naman kaya pwedeng kainin ko ang lahat ng pinagsasabi ko dito.
Galit lang ako sa maraming bagay. Galit ako sa mga taong insecure. Mga taong mahilig magparinig, pagkatapos binibigyan mo ng pagkakataong magsalita sa harap mo, walang may sinasabi, pagkatapos magpaparinig naman. Galit ako sa mga taong gusto nilang iniintindi mo sila, pero grabe namang manghusga sa’yo. Galit ako sa mga taong akala ko kilala ako pero makuha pang magbintang ng kung anu-ano. Galit ako sa mga taong sasabihing takot sila na ganun ganito pagkatapos dadamayan mo, sasabihan mong kaya mo yan, pero sasayangin lang pala oras sa mga walang kwentang bagay. Bahala na.Galit ako sa sarili ko dahil sinasabi ko ‘to ngayon dito. Tama na Kat… tama na.
Bukas, ibang araw naman kaya sana kainin ko ang lahat ng pinagsasabi ko dito.
ilabas mo lang ang galit mo kat.
AKO … GALIT AKO SA TAONG BINUBURA AKO NG PILIT SA BUHAY NYA.
wow dito naglabas ng sama ng loob? HAHA! :))
at tama, bukas, ibang araw naman. sigh kainin ko rin sana lahat ng pinagsasasabi ko 🙂
LikeLike
ilabas mo lang galit mo jec. 🙂 heheh. 🙂
ok lang, dito ka maglabas ng galit. heheh
ibang araw na ngayon kaya dapat mag-move on na ako. heheh
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
ay naku kat … ako na naka-move on na. SANA :))
pero oks na ‘ko ^^ woot~
LikeLike
yey! ^^ dapat ako rin. 🙂 woot! 🙂
balitaan kita kung anuman. 🙂
LikeLike
gotcha kat .. sana nga sa mga pngssabi ku netong buong mghapon .. kainin ko bukas 😦
LikeLike
tsoko,pwede ko bang malaman kung sino ka..mukahang kilalang-kilala mo ako eh.^^
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
iiyak mo kat o kaya isigaw mo sa hangin
ok lang naman magalit basta wag lang magkasala.
ito lang ang nalaman ko sa buhay kat, share ko lang
anger is a form of judging others.
breathe in/out lang kaya yan!
LikeLike
salamat kuya pong. 🙂 kailangan ko talaga ang mga ganyang payo..
kuya, tama ka.. at hindi maganda sa pakiramdam yung galit na feeling.. kailangang i-let go..
gandang araw kuya! 🙂
LikeLike
Wag na nang magalit. Mas bagay sa’yong nakangiti.
LikeLike
ahahah. 🙂 hindi nga ta bagay sa’kin magalit. XD
gandang araw sa’yo! 🙂 welcome dito sa pahina ko. 😉
LikeLike
normal lng nmn po yun na minsan nagagalit tayo.. as long hind tayo nkakapanakit dahil sa galit.. smila…:)
LikeLike
salamat athena. 🙂 tama ka, ok lang nga magalit pero dapat hindi ito maging rason para masaktan ang iba. 🙂
gandang araw sa’yo. 🙂
LikeLike
oo ilabas mo ang galit mo tapos nun dapat wala na, well sa akin ganun ha, pag naisulat ko na tapos na hehe…kung kay Jec “AKO … GALIT AKO SA TAONG BINUBURA AKO NG PILIT SA BUHAY NYA.” sa akin binura na talaga hindi na pinipilit pa wahaha 😛 GV GV na mga teh hihi
LikeLike
hahah. parang nataw ako sa pangbubura na hindi na pinilit ha.. 🙂 pwede bang i-rewrite yung binura? heheh.
gandang araw sa’yo gince! 🙂
LikeLike
at dahil sa galit na yan, di ka nakakuha ng quiz.. kasi nga katabi mo ang 2 sa mga taong pinakakinaiinisan mo ng mga panahong yun.. hehe
😉
LikeLike
tamaaaaa. 🙂 heheh. my fault. heheh
LikeLike
hmmm i hope by this time, humupa na ang galit mo hehehe
ups and down talaga ang buhay at moods ng tao. pero tama ang payo ni jec magandang ilabas yan. hehehe
may videoke naman P5 isang kanta. hehehe
LikeLike
salmat sa payo hoshi. 🙂 humupa na ang galit ko kasi mahal ko naman ang mga taong yun. heheh.:)
gandang araw sa’yo hoshi! 🙂
LikeLike