“Kat, gusto mo ba ako?”
Naghihintay na siya ng sagot.. Ayoko ng mga ganitong klaseng usapan, dahil ayoko ng mga pagkakataong hindi ako handa sa kahit anong tanong. Parang recitation sa klase,ayaw na ayaw kung tinatanong ako agad-agad ng teacher dahil nagkakaroon ako ng instant mental block.
Siya yung tipo ng tao na ayokong may tinatanong sa’kin dahil kung anu-ano pinaggagawa nya base sa mga pinagsasagot ko. Naging magkaibigan kami dahil hindi namin nababasa ang isa’t-isa pero takot kami sa isa’t isa dahil rin hindi namin nababasa ang isa’t isa.
“Kat, gusto mo ba ako?”
Nangingiyak na ako sa pagkakataong ito. Bakit ba napaka-unfair nya? Apat na taon na ang nakakaraan,tinanong nya rin ako ng parehong tanong, ngunit bago ako magsalita, sinabi nyang wag ko na lang sabihin ang sagot, at ngayon pinipilit nya akong sagutin ko ang tanong nya.
Alam naming hindi importante ang sasagutin ko dahil anuman ang magiging sagot ko, wala ng importansya yun. Mula noon, magkaibigan kaming mahilig mag-away kasi marami kaming pagkakapareho. Pareho kaming matigas ang ulo. Parehong ayaw magpatalo sa isang debate. Parehong ma-pride. Parehong naiintindihan at hindi naiintindihan(ang gulo? yun ang point ko)ang mga inconsistencies ng isa’t-isa. Parehong gustong panindigan ang magkaibang katotohanang pinaniniwalaan ng isa’t isa.
Naisip namin na mas importante ang katotohanang pinaniniwalaan namin kesa sa pagpapahalaga namin sa isa’t isa. Ibig sabihin,kaya naming iwan ang isa’t isa, marahil talikuran ang pagkakaibigan namin, at hindi kaming magdadalawang isip na gawin yun.
Pero nagkasundo rin kami na balang araw, malalaman din namin kung sino ang tama at hindi na magiging importante ang anumang pagkakaiba namin at rerespetuhin ang anumang katotohanang gugulat sa’min. Pero sa ngayon, hahawakan namin ang mga paniniwala namin kahit ibig sabihin nun, ay bibitawan namin ang pagkakaibigan o ano mang meron kami.
Tumahan na ako.
“Kat, gusto mo ba ako?”
“Hindi na.”
hay nku buhay nga namn…. ang gulo minsan….
LikeLike
tamaaaa.. 🙂 ang gulo nga athena. 🙂
kamusta? 🙂
LikeLike
ay ang haba ng hurr oh!!! natatapakan ko, pakitali nga 😀
gandang araw Kat!!!
LikeLike
ay pasensya naman gince.^^ itatali ko na buhok ko para hindi naaapakan. hahah
gandang araw din sa’yo gince! 🙂
LikeLike
wala kang puso!
joke 😀
LikeLike
ahahah. 🙂 meron naman, bato nga lang. charos! 🙂
gandang araw ginoong cheese! 🙂
P.S. Ginoong cheese, wala ka ring puso kasi cheese ka. eheh. XD
LikeLike
meron kaya nga ‘cheezy’ eh
lol
LikeLike
parang wala akong pambato sa ganitong statement ha. hahah. XD
kung cheesy ba ang tao, may puso na? charos. 🙂
ayaw lang magpatalo eh.XD hahah
gandang araw ginoong cheese! 🙂
LikeLike
aw. HINDI na. mas masakit pa yun kesa sa HINDI. kasi ang HINDi pwedeng maging HINDI PA.
jusko kaaat!
LikeLike
may point ka jec. 🙂 mabuti naman yung HINDI NA kesa sa Siyempre,hindi. hahah
gandang araw jec! 🙂
LikeLike
dapat kasi ang naging tanong niya, Kat mahal mo ba ako? o kaya naman Kat, mahal kita, mahal mo pa ba ako?
basta yun na, hahaha
kidding aside I believe in God’s will lalo na sa aspetong pag-ibig. He’ll give you the man of your dreams, remember prinsesa ka niya. Be blessed!
LikeLike
oy, panliligaw 101 by kuya pong. 🙂 heheh
tama ka kuya pong. 🙂 Si God talaga ang may control sa buhay pag-ibig natin. 😉
God bless kuya pong! 🙂
P.S. kwento ko sayo kung anu pinagsasabi ko dito next time. heheh. q
LikeLike
awwww. heartbreaker ka kat! hehehehe
LikeLike
ngex. hahah. 🙂 hindi ah. 🙂 kaw kaya yung heartbreaker. 😉 heheh
gandang araw katy! 🙂
LikeLike
taray naman ng mga statement na pinakawalan mo kat. kilig mode na sana ako e. hahaha
pero ganun talaga, you know na kahit may kurot sa puso yun ang alam ng isip mo na tama. isang maningning na karanasan.
LikeLike
magandang araw hoshi! 🙂
ay, pampakilig pala ung ibang statement? di ko napansin yun a..heheh
pero minsan talaga mananaig ang kung ano ang nasa isip mong tama. 🙂
salmat sa pagdalaw hoshi. 🙂
LikeLike
gandang umaga Kat. sensha na at ngayon lang nakuhang dalawin itong pugad mo. galing mo talaga. congrats!
LikeLike
ang sakit naman ng pagkakasabi mo. kung ako yung lalaki, para na rin akong namatay.
LikeLike
hmmm, masakit ba talaga sinabi ko? hmmm, kilala ko ang lalaki.. hindi siya yung tipong iiyak dahil sa babae. 🙂
gandang araw sa’yo. 🙂
bisitahin ko nga yung pahina mo para malaman ko kung bakit mental climax pangalan mo. 🙂
LikeLike
Hindi man siya iiyak, pero sa loob niya sigurado akong nasaktan siya. 😦
LikeLike