“Pa, CS ako.”
“Ano nga ibig sabihin nun?”
“Parang Dean’s Lister pero College Scholar lang ang tawag. heheh”
“Ano yung Dean’s Lister?”
“Parang honor student. heheh”
Alam ko, hindi importante sa mga magulang ko kung ano man yang CS na yan o anuman ang Dean’s Lister kasi kailanman, di nila ako pinilit na magkaroon ng mataas na grades, kahit kailan hindi nila sinabi na sana ganito o ganun. Masaya lang sila na malaman nilang ok ako at masaya ako sa aking pag-aaral. Oks na oks na silang malaman hindi ako humihithit ng sigarilyo(naghihithit lang ng Mik-Mik na milk powder candy. hahah ), o nagpapakalasing(mukhang lasing na ako eh), o tumitira ng droga(adik na ako eh.hahah).
Pagkatapos kong bayaran ang mga teachers ko, matapos kong i-plagiarize thesis ko(joke lang, it’s a disgrace to the academe kaya!ay, natakot. hahah), magkaroon ng boyfriend na tagagawa ng assignments ko, i-tatoo sa katawan ko ang notes ko para sa exam, at uminom ng isang galong omega 3.. sa wakas, naging CS din. eheh. 🙂
Ma,hindi ko na ihihirit ang joke na muntik na akong maging CS kasi katabi ko yung mga CS sa’min. Hindi ko na rin sasabihing parang CS na ako kasi kulang lang naman ng .000000001 atsaka hindi ko rin sasabihing perfect na sana ako sa exam kung wala lang akong wrong. hahah.
Alam ko OA ako at kaya lang naman ng iba maging CS kahit na hindi na sila pumasok sa eskwela at kahit nakapikit pa sila o naka-blindfold sa exam o habang kumukuha ng exam ay tumatawid sa alambre na may apoy, may mga bubog pa(ewan ko lang kung saan nakasabit ang bubog) at may mga lion pa sa ilalim…pero masaya pa rin ako. 🙂
Para talaga ‘to sa Poong Maykapal, sa parents ko, mga kaibigan, at inspirasyon. 🙂
Salamat sa inyo, hindi ko naman talaga kaya to kung wala kayo. 😉 Ay, scripted na para bang oscar awards lang. hahah. basta,yun na yun. 😉
P.S. nung nakaraang buwan ko pa dapat na-post ‘to pero shy ako. heheh

wow congrats sa safe delivery kahit CS hihihihi
next time dapat US naman para big time lalo.
i remember ganyan din ako kapag class cards out na, pipila para sa ganyan at ma-avail ang FS/PS sa college namin, syempre sayang din yun pambili ng books ang maaawas sa TF.
yehey Kat, matalino ka kasing bata kaya ganyan?
Bakit 18 units ka na lang? Tanda ko nun nung college ako ang 18 units lang ako nung last sem 4th year na, madalas tinatanggihan pa kami ng registrar kapag pinapasama namin yung mga summer subjects namin sa regular sem kahit di naman overload, okies Congrats!
sana next time mga kwentongh blue books naman Kat, yey!
LikeLike
kuya pooooooooooooong! 🙂 heheh
oo nga kuya eh.. buti na lang at safe delivery kahit CS. hihihi
ikaw nga eh, consistent na honor student, ako minsan lang. hahah. pagkatapos magna ka pa, ako naman wala ng chance kahit cum laude..huhuh. pabaya kasi ako nung first year eh. hahaha
hindi ako matalino kuya, madaya lang. hahah
18 units lang naman ang regular kuya, ewan ko lang kung bakit…
okie kuya, kwentong blue book naman next time. heheh. yey!
salamat kuya sa pagbati. 😉
God bless sa’yo! 😉
LikeLike
PS. wag kang ma-shy dapat ano ka ba, pinaghirapan mo yan at sinunog mo mga kilay mo diyan hihihihi
2 din ako sa Psych ko nun, panira sa TOR hihihihi. at di namin siya major subject, At never na kaming kumuha ng subjects sa Institute (College in your case) of Education hihihihi
LikeLike
hihihi. 😉 psych pala ang ayaw mong subject. hihihi.
gusto ko yung psych subjects kaya lang medyo di maganda grades ko sa isang teacher.. ewan ko nga sa kanya eh. heheh
God bless kuya pong! 😉
LikeLike
magaling magaling magaling na bata ka talaga kat! hehe congratsss 🙂
LikeLike
idol. ang husay mong bata ka. haha! salamat pala sa testimonial kat. iloveyou na.
LikeLike
iloveyou too jec! 🙂 hahah. 😉 nahuli nga yung testi eh, sorry ha..
nwei, pinag-isipan ko pa kasi yun eh(palusot si kat. heheh)
salamat jec. gandang araw! 😉
LikeLike
congrats sa yo. mgaling na bata…hehehe
LikeLike
heheh. 🙂 nahiya tuloy ako athena. ^^
salamat. 🙂 gandang araw! 😉
LikeLike
huwaw!!!
LikeLike
wala naman yan gince para sa iba pero OA kasi ako. heheh
🙂
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
akala ko Com Sci hehe
congrats.
LikeLike
tenkyu Ginoong cheesecake. 🙂
LikeLike
uwow, kainggit ka naman…..ha ha ha ha ha………..talino mo tol 😛 keep up the good work lol
LikeLike
oi, tenkyu erhu. 🙂 hindi ako matalino, madaya lang. hahah
gandang araw erhu!
LikeLike
congrats naman.. ikaw na na-CS… bouncing baby boy ba? 🙂
LikeLike
hahah. 🙂 hindi eh. bouncing baby girl eh. 🙂 toinx! 🙂
LikeLike
congratulations! ang saya-saya niyan! ako nakapasok lang once ok na ako. hehehe
pero kung gusto mo tuloy-tuloy go go go go!
LikeLike
actually, ok na rin ako sa isa. hahah. 🙂 parang feeling matalino ako pagkatapos. hahah
sana nga hoshi, magtuloy-tuloy pero isa na lang ang sem ko, pagkatapos ang hirap pa. heheh
LikeLike