Nauuso ngayon sa facebook ang mga pa-quiz. Kaya sinubukan ko ang mga quiz na ‘to dahil ito lang ang quiz na di ako kinakabahan.
Kinuha ko ang quiz na “Which Disney Princess are you?” dahil nagmamaganda ang lola. Akala ko si Beast ang lalabas pero ito lang naman ang lumabas:
Si Snow white daw ako oh! Na-shocked din ako siyempre, pero mas nashocked ako sa description” You are popular among all. Your beauty makes others jealous. You love to clean and cook and make things better!… You enjoy anything and everything, your so sweet that people cannot turn you down. Everyone loves you.”
Shocking kasi hindi naman ako popular wala ding may naiinggit sa’kin. Mga prito lang ang kaya kong lutuin at may pagkakataon pang nasusunog. Pero totoo yung nag-eenjoy lang ako sa buhay ngayon. Hindi rin ako sweet pero di rin naman bitter. heheh. =) At higit sa lahat, hindi ako mahal ng lahat.
Ang totoo niyan, isa akong batang hindi nakarinig ng mga fairytale mula sa nanay ko. Hindi kasi siya mahilig magbasa ng mga kung anu-anong kwento sa’min. Pero naniniwala akong ang lahat ng batang babae ay maya karapatang makaramdam na sila ay prinsesa.
Kung isa nga akong prinsesa, ako lang ang prinsesang si Kat. Hindi siya pinakamaganda sa lahat, pero kontento siya sa gandang meron siya. Hindi rin siya mahinhin lalo na kapag tumatawa. Wala siyang kristal na sapatos dahil mas komportable para sa kanya ang tsinelas. Wala rin siyang magagarang damit umaasa siya sa walang kamatayang ukay-ukay. Hindi siya naghihintay ng prinsipe pero naghihintay sa tamang panahon para sa lovestory nila. Higit sa lahat, walang Fairy god mother na nagbibigay ng gusto niya, pero naniniwala siya kay God na mas alam ang nakakabuti para sa kanya.
Sa araw na ito, yan ang kwento ng prinsesang si Kat. =)


prinsesang si Kat, susubukan ko din yang quiz na yan, baka ako pala si beast 🙂
LikeLike
hahah. =) nang kinuha ko ang quiz, may picture ni beast, akala ko si beast ako, kasama pala si Belle. hahah. =) gandang araw jec! =)
LikeLike
hahaha may pics ako nyang mga katawa-tawang princess. nakalimutan ko na kung nag-take din ako ng quiz na yan at kung sino ako. pero kung ako papiliin hmmmm wala akong mapili. hindi ko kasi makita ko na princess eh. hahahaha
ayoko makulong sa palasyo
ayoko na kailangang maghintay ng prince charming
ayoko magpaapi
ang gusto ko lang ay magic.
baka puwede namang from evil witch ay naging mabait na princess na lang ako. hahahha at tatawagin akong Akazukin (Princess) Hoshi (Star)
LikeLike
hahah. =) ayoko ring nakakulong eh, kaya pumili na lang ako ng prinsesang di nagpapaapi at pasaway, si prinsesa kat. hahah. evil witch na kasi ako palagi sa mga character impersonation kaya prinsesa naman para maiba. hahah. =) magandang araw akazukin chacha, este, akazukin hoshi! =)
LikeLike
wow alam niya ang name ng my favorite female anime character ko. hahaha
mabuhay and gandang araw!
LikeLike
tama ka kat, lahat tayo ay prinsesa 🙂
LikeLike
heheh. =) lahat dapat ng mga batang babae, alam na prinsesa sila. =) gandang araw princess katy! =)
LikeLike
bruha! ^_^
LikeLike
bruho! =) hahah
LikeLike
kami ay hindi prinsesa
hahaha
LikeLike
ganun ba? hahah.=) pwedeng hari? heheh
LikeLike