“I am single and straight”.
Yan ang pambungad bati ng teacher naming hindi ko alam kung ano ang edad dahil napakabata pa niyang tignan para maging professor. Bukod sa pagiging bata tignan, sa sobra niyang cool nagmumukha siyang classmate namin. Nakakainggit dahil ako nga kadalasang napagkakamalang tindera sa grocery store o may bigla na lang nagtatanong sa internet shop ng “Magkano ang internet at pa-print manang?”. Sarap talaga sapakin ang mga ganyan.
Kahapon, bago siya nagsimula sa klase, ay pinasalamatan niya ang isang classmate namin dahil sa pinakopya siya ng Torchlight, 3 beses na raw kasi niyang natapos ang Diablo at boring na para sa kanya ang laro.
Ang kanyang klase ay tungkol sa “Training Needs Analysis” kaya nagsimula siya sa ganitong tanong;”what do you think are your needs right now?”. Pagkain ang iniisip kong pangangailangan ko, pero dahil ayoko namang magmukhang matakaw, pabulong akong nagsabing “Financial needs”.
Una niyang tinanong ang seatmate ko agad sabing “Financial Needs”. Ay kabayo, wala na akong answer. Nag-sorry naman ang classmate ko dahil alam niyang intellectual right yun at pwede ko siyang idemanda.
“Financial needs” rin ang answer ko, hindi nga ako nagmukhang matakaw, nagmukha naman akong pera.hahah.
“Walang kopyahan”;sabi ni titser.
“Wala akong maisip ma’am”.
“Guys, you’re so materialistic!” saad ni ma’am sabay tawa.
“Need to have high grades”.
“Bongga! you’re aiming for high grades and not just passing grades”.
“Need to leave a legacy”.
” Just build a higschool and name it after you. hahah.”
“Wala.”
“Ay, wow, you don’t have any needs, maybe he’s(bf ng kaklase)
providing all your needs.”
“Bukod sa drugs, ano pa need mo?” tanong ni teacher sa isa.
“Maintenance ma’am”.
“Maintenace sa drugs? hahah.”
Sa totoo lang, tawa ako ng tawa dahil ang galing mag-comment ng teacher namin kaya lang pinipilt kong wag niya ako marinig dahil baka mangingiyak lang ako kapag ako naman ang pukulan niya ng kung anu-anong komento.
“Uy, wag sex ha.” sabi niya sa baklang classmate.
“Hahah. Hindi ma’am. The need for affection.”
“What?! you get affection every night. hahah.”
“I’m afraid to ask you but I need to ask, what’s your need?” tanong niya sa classmate naming napatagal sa university.
“Control. The need to control myself.”
Nakalimutan ko na ang ibang answer pero ito ang pinakamatindi.
“What’s your need?”.
“The need to be needed”.
Windang si ma’am, habang palakpakan naman kami. hahah.
Ito ang isa sa mga klaseng ayokong mag-absent dahil bukod sa marunong maglaro ng dota ang teacher namin, kaya niyang gawan ng paraan na punan ang pangangailangan ng mga Pilipinong estudyante tulad namin, edukasyong hindi malilimutan, edukasyong kapupulutan ng kung anu-anong aral at edukasyong pwedeng gamitin balang araw.
Yan lang muna ang kwento ni Kat.
Ikaw? Ano ang pangagailangan mo? =)

Sexual needs. Hindi ako yun ah, si timangkey yun narinig ko bumulong!
Gusto ko rin magturo tapos tropa lang ang turing sa akin ng mga estudyante ko. Ang kulit mo kat!
LikeLike
hahah. 😀 ganun ba? 😀 si tim pa talaga ang tinuro eh. heheh. =) ang dami kong teachers na ganyan eh. heheh. mas makulit ka! =) magandang araw yin! 😀
LikeLike
aba na name drop pa ako dito… oi, hindi ko need un. (cross fingers)
itong si yin oh. wag mo naman ipagsabi. lol
pero cool si maam. kung ako tatanungin nya.
“What is your need?”
“An answer to that question.”
(wala na kasi maisip nasabi na lahat nung kaklase)
LOL
LikeLike
hahah. 😀 yun nga rin kailangan ko, answer, kaya copy-paste na lang. =) sobrang cool nga ni ma’am, pero katakot makapag-comment. hahah. 😀 si yin nagsabi nun ha. hahah. kulit! 😀
LikeLike
ang cool naman ng teacher nyo, kung lahat ng teacher ganyan kacool, hindi pahirap ang pumasok sa klase araw-araw, hahaha
LikeLike
katakot rin minsan kasi kung ikaw ang makita ng teacher, kaw na ang pagtitripan. hahah. noon, ang mga teacher ang kinukulit ng mga estudyante, ngayon naman teacher na nangungulit. hahah. =) magandang araw! =)
LikeLike
sapul ako dito kat
i miss teaching
ang mga teachers na kagaya ni mam mo ay talagang
kaabang abang
madmai din akong teacher na gusto ko sila nalang parati class ko at madami din naman na ayaw pasukan
nung makapagturo ako ay saka ko nalaman the need of teaching. Yung tatawagin ka lang kuya ng mga students mo o tatay, nakakasamang magmall, nakakatext pero alam ang boundaries pagdating sa klase na ako pa rin ang boss. masarap ang mga silent activities namin na madals ko silang napapaiyak at gayundin ako. ang importante kasi is you give hope lalo na kapag teacher ka. bigyan at wag patayin ang pag-asa ng mga students. kaya andyan ang teacher.
barkadahan pero may respeto.
daan ako parati dito at add ko link mo
simba lang ako ha
be blessed!
LikeLike
mabuti naman at nakaka-relate ka dito. =) sobrang kailangan talaga yung mga gurong tulad niyo, yung tipong pwede mong tanungin kung may di ka naiintindihan,yung tipong di ka mahihiya mag-answer sa klase, at ang teacher na kayang gawing interesante ang kahit anong topic. =) mabuhay ang mga guro! =) Blessed day pong! =)
LikeLike
Si ermats dating guro at principal, kuwela din pero hindi marunong kahit game and watch hahaha.
LikeLike
hahah. =) cool pa rin si ermats mo! =) ang mader earth ko, naadik sa plants vs. zombies kaya di na minsan binabalik ang laptop ko. hahah. =)
LikeLike
kung ako magiging teacher ganyan din ako lol
uhmm, di pa naman huli ang lahat malay naten in a few years time pasukin ko yung ‘calling’ ko sa pagtuturo.
naiinis kasi ako na mayroon mga teacher na wala naman natututunan ang mga estudyante, kaya gusto ko magturo.
LikeLike
marami rin akong teaacher na wala akkong natututunan eh. heheh. baka nga ganyang-ganyan ka kung teacher ka. =) heheh. napadaan ako sa bblog mo, andami mo palang psychological, specifically,anxiety at personality disorders. heheh. =) gandang araw cheesecake! =)
LikeLike
pano mo naman nasabing madami e di ko pa nga nagagawa yung page para dun hehehe.
pag nagkatime ako saka ko eexplain ang mga bagay na hindi alam ng karamihan.
LikeLike
yung mga phobia kasi, anxiety disorder yun, pati na rin yung panic disorder at yung pagiging OC naman personality disorder. wala lang. =) parang yun narinig ko sa psych 155(abnormal psych) namin, kung nakikinig nga ako. heheh. nabasa ko lang sa gilid ng page mo. =) heheh. =) aabangan ko ang mga paliwanag na yan, parang pulis lang eh. heheh. =)
LikeLike
wala akong anxiety disorder, panic disorder lang.
panic disorder lang yung sinasabi kong di alam ng karamihan. kasi kahit ako na matagal nang meron neto, lately ko lang nalaman na panic disorder pala ito hehehe.
sa phobia naman halos lahat naman ng tao meron nyan. well iba iba lang ng type.
LikeLike
yung panic disorder, napabilang ata sa anxiety disorder.. marami kasing anxiety disorder at kasama na dun ang mga phobia at panic disorder. =) naalala ko pa kasi ya report ko at nangamote ako sa report ko kasi anxious ako.. heheh. ang hirap namn pala ng sitwasyon mo, kasi nagkakaroon daw ng mga un-expected panic attacks ang ibang may panic disorder eh.. =0
bagong araw ngayon cheesecake, magadang araw! =)
LikeLike