Kinuha ko ang subject na “Fish Makes Sense” dahil akala ko tuturuan kaming makipag-usap at maintindihan ang mga isda. Hindi pala. Gayunpaman, gusto ko ang guro namin dahil nagbibigay pa rin siya ng chocolate bilang prize kahit matatanda na kami. Dahil gusto ko siya, nakikinig ako ng mabuti sa kanya(echos!).
Sa mga guro, hindi totoong tamad ang lahat ng estudyanteng mag-aral, kailangan lang talaga minsan na maintindihan kayo ng mga estudyante niyo at hindi kayo parang nagpapatulog ng batang nagising sa kalagitnaan ng gabi. Sa mga estudyante, hindi totoong boring ang lahat ng guro, kailangan lang na kumakain kayo ng almusal, medyo binawas-bawasan ang dota o plants vs. zombies, at pinapatay na ang tv kahit gusto niyo pang makita si Bea at John Loyd na “Maging Sino Ka Man”, para hindi naman parang kinagat ng malaking lagam ang mga mata niyo pagpasok niyo ng klase(note to self: sundin ang mga pinapayo).
Nalaman ko sa Aqua Science(Fish Make Sense) class namin na marami ka palang matututunan sa mga isda kahit na hindi ka makipag-usap sa kanila. Kanina nga, nalaman ko na totoo pala ang mga sea dragon, pasensya na sa ignoranteng batang tulad ko. Akala ko ay gawa-gawa lang ang istorya ng sea dragons para meron ring parang urban legend sa dagat. Kaya nga lang di siya ang sea dragon na nasa isip ko dati.

Before. Ito ang sea Dragon na nasa isip ko dati.. nakakatakot nga eh kaya pinili kong wag maniwala sa kanila para makapag-enjoy naman akong mag-swimming kahit saan. =)

After. Ito pala ang mukha ng tunay na sea dragon. Ang cute pala at parang gusto kong gawing pet. Yey! =)

Dahil totoo sila, sa palagay ko, marami pa ring pwedeng maging posibleng totoo rin, kaya lang, di lang tulad sa kung paano ko isipin ang mga ito. Maaring totoo ang kabutihan sa bawat tao, kaya lang hindi lang pinapakita sa atin sa kung paano natin gustong makita ang kabutihan. Posibleng hindi lang si Jollibee ang gustong maging happy tayo kaya lang mas nakikita natin ang mga taong gustong maging malungkot at misebrable tayo. Posible ang maging masaya kahit na hindi natin nakukuha ang gusto natin, kaya lang palagi nating iniisip na magiging masaya lang tayo kung meron tayo ng mga kung anu-ano.
Nalaman ko rin pala na ang mga sea horse ay nagmamahal ng iisa lang. Ang sabi ng titser namin,ang sea horse ay isa sa pinaka-loyal sa kanilang partner. Kung sakali daw na mahuli yong isa sa kanila, ang isa ay maghihintay sa kung saan niya huling nakita ang isa, naghihintay siya kahit gaano katagal. Kadalasan daw napapahamak na lang siya dahil doon pala sa lugar na yon nakain ang kanyang partner ng isang mas malaking isda o doon nahuli ng isang Pinoy na nagbebenta sa China ng sea horse para gawing alternative medicine. Sinabi rin ng teacher nami na kayang mabuhay ng isang sea horse ng hanggang 100 years, ibig sabihin, pwede nilang kantahin sa partner nila ang “I Wanna Grow Old with You” .
Wala lang. Naiisip ko lang na dahil posible yan sa mga nilalang na medyo mas konti ang emosyong nararamdamn kesa sa mga tao, posible rin pala ang wagas na pagmamahalan(hinuhuli ba ang mga cheesy dito? hahah). Kung kaya nila ang mag- stick to one, bakit hindi tayo na mas nakakaalam kung gaano kahalaga ang kapwa? Hindi rason ang tagal ng relasyon para sabihing nakakabagot na o gusto niyo ng mas bago. Ang kapwa tao ay hindi laruan na pwede lang na iniiwan kung nababagot na tayo at pinapalitan ng kung anong laruan na nakita lang natin sa mall o sa ibang kalaro natin.
Napakaikli ng buhay para maging malungkot, palaging galit sa iba,at misebrable. Para sa akin. dahil totoo ang sea dragon at nagmamahal ng tama ang sea horse, maniniwala akong pwede akong maging masaya kahit ayaw pa ng iba, at magmamahal ako ng tama kahit hindi ginagawa ng iba. Mas mabuti na yong maging tangang masaya kesa sa nang-iisa ng iba pero nag-iisa pala.
Sa araw na ‘to, nalaman ko na “Fish Really Makes Sense” ,at yan, ang kwento ni Kat. =)
wow sea horse!
malaki din kaya ang kanilang… uhmmm nevermind.
wow sea horse! lol
LikeLike
hahah! =) welcome sa kwentuhan timangkey! =)
LikeLike
nice post girl. combo ng science and psychology. hehehe
yeah i think bukod pa yang sea dragon doon sa sinasabi sa bible na dating pinatotohanan ni namayapang ka-ernie baron.
yeah tama ka sa pagkukupmara sa mga sea dragon at tao. kung sino pa talaga ang may isip yun ang may asal. pero ganun talaga eh. lets’ love because there’s such thing called love. mabuhay!
LikeLike
heheh. salamat sa pagbisita hitokirihoshi. =) di ko maiwasang magkwento tungkol sa asal ng tao kasi psychology course ko. 😀 heheh.
LikeLike
naku parang tatlo na ata kaya kayong ka-blog ko na kumuha ng psychology ha. so ayon sa survey maraming nagba-blog na psychology graduates/students? kasama kaya ako doon?
tingin ko hindi kasi pang pasyente ako eh. wahahaha
parang alam ko kung saan kinuha yung last pix ng sea horse, sa manila ocean park ba ‘yan?
LikeLike
hahah. =) sa palagay ko madami ngang psychology students na mahilig mag-blog. =) kailangan kasi sa course na nagmamasid ka nag-oobserba sa kapwa tao. =) hala! nakuha ko lang yang picture ng seahorse sa internet eh. ewan ko kung paano hingin sa nagkuha talaga ng picture. =) magandang araw hoshi!
LikeLike
Ayown, psych pala eh hekhek. Kokomento sana ako ng matino pagdating ko sa dulo nakita ko si Tim alangya ka Tim! Pag sinabing sea dragon yung Loch Ness monster naiisip ko. Di malayong may mga malalaki pang hayop sa pinakailaliman ng dagat. Hi ulet Kat!
LikeLike
hi yin! =) yun rin ang naiisip ko eh, ang Loch Ness Monster kaya parang nakakatakot. =) hahah. naligaw din dito si tim eh. heheh. magandang araw yin! =)
LikeLike
i love marine bio!
yehey!
LikeLike
Waley ako masey, hehehe. Nasabi mo na lahat-lahat-lahat, Kat. 🙂
LikeLike
arj. 🙂 maraming salamat sa pagbisita sa aking pahina. 🙂 welcome na welcome ka dito. 🙂 gandang araw sa’yo. 🙂
LikeLike